Monday, February 28, 2005
"Hinding-hindi tayo mapapagod mga kasama sa paglulunsad ng mga EDSA dahil darating din ang araw na tayo na ang siyang nandoon sa Malacanang at ieetsapuwera natin, silang nanlilinlang at nagsasamantala."
Ang VAT ang siyang pahirap. Habang hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga pundamental na problema ng sambayanan, walang magagawa ang anumang dagdag na buwis.
Dahil binara ng kapulisan ang daanan patungo sa Mendiola, pinagpatuloy na lamang ng mga estudyante ang kanilang programa. Ganunpaman, nagtagumpay pa rin ang mga kabataan sa kanilang kilos protesta dahil tatlon beses na nabutas ng mga kabataan ang hanay ng mga pulis.
Ang reaksyonaryong kapulisan at ang kabataang lumalaban. Tunggalian ng puwersa subalit nagmumula sa parehong uring pinagsasamantalahan.
Ginagatasan ng napakaraming kapitalista-edukador ang sahod at pawis ng mga magulang ng mga dukhang kabataang nangangarap ng magandang kinabukasan.
Nagpiket ang mga estudyante ng University of the East upang tutulang ang nakaambang pagtaas ng matrikula sa kanilang paaralan.
"Ang laban ito ay para sa kinabukasan, ng aming pamilya at ng aming mga anak, para sa sambayanang api."
Marami pang dapat imulat kasama, mundo ay puno ng problema. Sa paghinto ng tibok ng puso mo kami ay magpapatuloy.
Katibayan ng pagmamay-ari ng Asyenda Luisita. Hindi nakakain ang katibayan, maski ang 9.50 kada linggo.
Pagbabayarin ang mga Cojuangco sa paglason sa tubig-inumin ng isang baryo sa palibot ng asyenda. Dito tinatapon ang lahat ng kemikal na mula sa asukarera.
Sinarado ng mga manggagawa ang lahat ng gate ng asyenda. kahit ang pinakamalilit na pasukan at labasan ng tao. Para hindi makalabas ang mga asukal at mga tulisan ng kilusan.
Ang laban ng Iskolar ng Bayan ay hindi hiwalay sa pakikibaka ng magsasaka sa lupa, manggagawa sa sahod.
Thursday, February 17, 2005
Nagsama-sama ang mga progresibo at sagad-sagarang reaksiyonaryo upang tutulan ang pagpasa ng VAT sa Senado.