Tuesday, March 29, 2005

Para Sa Iyo, Kasamang Peti-Burges

kasama,

darating ang araw na mauunawaan mo kung bakit pinili ang ganitong buhay na mapanganib, kung bakit nakikibaka para sa uring hindi naman talaga akin, kung bakit nangangahas makipaglaban para sa uring daang salinlahi nang inalipusta at pinagsamantalahan, kung bakit naniniwala pa rin sa dalisay na simulain at adhikain ng pambansa-demokratikong kilusan.

payak lang naman ang kasagutan kasama.

sa panahon ng walang humpay na pagdarahop ng sambayanan, walang dahilan upang hindi kumilos at lumaban; lalo ang kabataang siyang inaasahang tagapagpanday ng kinabukasan ng bayan; lalo ang iskolar ng bayan na kinapapapalooban ng koletibong mga pangarap, adhikain at pangarap ng sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan para sa isang lipunang mapagpalaya, makatarungan at mapayapa.

walang dahilang hindi kumilos lalo't higit kung para sa pagpapalaya ng masa mula sa krus ng kanilang kahirapan.

Tuesday, March 22, 2005

Paginilay sa Artikulo ni Prof. Simbulan sa Practicum

Sana tama siya. Sana hindi siya nagkakamali sa pag-asang nakikita niya sa mga mag-aaral ng DevStud na siyang magtataguyod ng pakikibaka ng mamamayan, partikular ng magsasaka sa kanayunan. Sana rin na-inspire ang mga kaklase ko pagbasa ng artikulong ito, sapagkat natukoy nito ang dapat sanang ginagawa ng DevStud sa kanyang integrasyon sa kanayunan. Hindi lang ito simpleng bakasyon o excursion, kundi pakikipamuhay sa batayang masang pinagsasamantalahan at inaapi. Napakalaki ng kinaiba nito sa unang dalawang nabanggit. Hindi lang ito simpleng pag-ikot sa mga baryo at pagtatanong ng kanilang, edad, dami ng anak, hirap ng buhay, ni hindi nga simpleng pagkamusta lang. Hindi naman tayo NSO, kaya tayo ipinadadala sa kanayunan. Hindi rin ito para ipaalam sa masa ang kahirapan nila. Alam na nila iyon, hindi na natin kailangan dagdagan pa. Pero ang hindi nila alam ay ang ugat ng kanilang kahirapan, na hindi lang sila and siyang nahihirapan kundi napakalawak na hanay ng anakpawis na naghihintay at nakikibaka para sa paglaya ng lupa at ng kanilang mga sarili. Hindi nila alam na ang pang-aagaw ng lupa sa Nueva Ecija ay hindi kaiba sa karanasan ng mga kasamang magsasaka sa Compostela Valley at Eastern Samar, o dili kaya ang matinding militarisasyon sa kanayunan. Ang malamang malalaman lang nila ay walang ginagawa ang pamahalaan para sa kanila, pero alam natin na higit pa rito ang ugat ng kahirapan nila. At mahalagang makapanday ang Devstud ng mga mahuhusay na organisador na siyang makapagpapaliwanag nang buong-buo sa antas ng batayang masa ang ugat ng kahirapan nila. Kailangang madulas na maipaliwanag ang salot na pinagsamang impe, burukrata-kapitalismo at pyudalismo na siyang nagpapatuloy ng ganitong relasyon ng produksiyon sa pagitan nilang mahihirap na magsasaka at panginoong maylupa at burgesy komprador. Para saan pang nagpracticum kung hindi rin naman natin maipaliliwanag sa kanila ang mga ito? At hindi dapat nagtatapos dito ang layunin sa practicum kundi buksan ang mga mata ng masa sa isang lumalawak na kilusang nagtataguyod ng pambansa-demokratikong linya kung saan sila ang pangunahing pwersa ng pambansa-demokratikong rebolusyon! Sapagkat hungkag ang anumang pag-oorganisa kung magtatapos lamang ito sa simpleng pakikipag-usap lamang at hindi nahihimok ang masang kumilos. Hindi sapat ang magalit sila, sapagkat lumilipas ang galit, pero ang relasyon ng produksiyon ay nananatili. Kaya naman walang sawa ang pagrepaso ni Doc Ed sa isipan ng mga mag-aaral ang alternatibong solusyon ng atrasadong lipunang Pilipino, upang sa pambansa-demokratikong balangkas ikawing ang pakikibaka at hindi sa repormismo ng burgesya at makabagong rebisyonismo ng kontra-rebong grupo. Pero siyempre, ikaw lang ang makakaintindi sa sinasabi ko ngayon. At malabong hingiin natin ang ganitong marubdob na pagtataya sa simpleng practicum lamang. Pero nakalatag na kasi ang pagkakataong matuklasan nila na may mga bagay na higit pa kaysa sa simpleng mga pangarap at may malawak na hanay ng masang naghihintay sa kanila bilang kasama sa pagpapalaya ng lipunan at pagtatatag ng pambansang demokrasyong may sosyalistang perspektiba. Natuwa akong tinula ni Ser Roland yung Paaralan ng Bayan dahil tama naman, para ano pang naging intelektwal tayo kung hindi rin tayo matuto sa masang may tangan ng armas ng paglaya.

Mula sa masa, tungo sa masa, kasama!

There Goes the Dream

March 20, 2005
As I write, Manny Pacquiao is getting a severe beating from the Mexican Morales. I have been getting text messages saying that he lost, which might be true due to the deep cut he received in the early rounds. My kuya remarked today that Pacquiao should win, at least to make people forget for a week their wretched existence and hail him as one of their own. Gloria and her apologists are perhaps also praying this hard now for him to emerge victorious as that would give her a reason to earn tremendous photo opportunities for the next coming days, with her pretending to be crowning a working-class hero. But with the prospects of his defeat, a dream will be shattered once again and the people will descend from the delusion they have with a Pacquiao win. After being hooked to the boob tube for a couple of long hours in the afternoon, the people will have to contend again with the objective realities of their existence, that of creeping fascism in their midst and a looming VAT measure set to be passed soon. It is funny, even, that the government took advantage of the media exposure brought about by Manny’s fight. The government infomercial on the necessity of a VAT increase is flashing on the people’s television sets every time the program breaks for commercial. Bear in mind, though, that boxing programs such as these do not have the typical one0minute commercial break. The commercials are far longer than can you ever imagine, longer than the rounds Pacquiao slugs it out with Morales! There, the government tries to misinform the minds of the people. But I can tell that the people will not buy that. They know their poverty all too well to be convinced by it. Nonetheless, the fight is really reminiscent of the glory days of Rome in which they sent the slaves to their deaths in the Coliseum, in order to make the people forget their poverty and the atrocities of the Republic against the masses. Such is the same in Manny Pacquiao’s fight. At a time of great political and economic contradictions, the dream of a poor boy making it out big in the land of the free is so seducing for the people that the exploiters and oppressors get a breather from the entire hype of the event, crafting the dream that perhaps one of the toiling masses will one day be like Manny and all the other contemporary poor boy hero who would not have boxed for cash had they been able to get their college degrees. Again, we go back to the objective reality of the times. Manny was great, yes, but his life is not ours to keep. The people will have to wake up again tomorrow contemplating on ways on how to make ends meet and wake up again from the dream, if at all, the nightmare if Manny loses.

Those Rotten Networks and Advertisers

March 20, 2005

What’s up with these broadcast networks during boxing fights, delaying the broadcast in order to pester the people with the products during the commercial breaks! The wait in between round is just too awfully long and the Pinoy pugilist will have been knocked out already even before we can even watch Lani Misalucha sing the national anthem. I understand that name recall is one of the fundamentals in effective advertising but I do believe that saturating the entire program with the same barrage of ill-made commercial is just too much to bear for the people. If there is a theory on marginal utility, there sure is a counterpart for that in terms of viewer response, especially during supposedly live via satellite broadcasts. Instead of the people being enchanted by the advertisement, they would rather change channels instead of watching around FIVE MINUTES of commercials! But such is the profile of broadcast networks of course. Watchers of free TV can all wait for the Second Coming as long as the corporations are willing to pay that high to sell their products. And with expected high ratings for this match, the corporations are definitely going to shell it all out for a few good hours of maximum exposure. The networks then will surely maximize the profits from this boxing match, at the expense of millions of viewers glued to the television to cheer on their hero. There is nothing to cheer for if the event is so much delayed and the fight will have been over for a couple of hours now. This perhaps is just bitching. But it’s just me.

Pasismo: Ang pagbabalik

Nakupo. Yari na naman ang mga nakikibaka para sa demokrasya at kalayaan. Hinahanda na ng reaksiyonaryong estado ang entablado upang mabigyang katuwiran ang papahigpit na kontrol ng estado sa liig ng mamamayang Pilipino. Nagsisimula nang muli ang mga bombahan sa mga sentro ng komersyo, kung saan maraming tao at maraming mamamatay. Pinatitingkad pa ng pamahalaan ang masaker na ginawa nila sa mga Abu Sayaff sa Camp Bagong Diwa, na tila yata pipiyok at magsasalita kahit kaagad nang tinuluyan ng kapulisan. Nariyan din ang papatinding militarisasyon sa kanayunan at ang kabi-kabilang pamamaslang ng mga lider ng pambansa-demokratikong kilusan at ng mga sumusuporta rito. Sa loob lamang ng tatong linggo, higit sa lima nang mga lider ang pinaslang o dinukot ng pinaghihinalaang puwersa ng military, kabilang ditto ang nakilala kong konsehal na si Kagawad Abel Ladera, na siyang tanging pulitikong tumutulong at nakikipaglaban para sa mga magsasaka ng hacienda luisita. Balik-tanawan na rin natin ang masaker sa Luisita noon isang taon at ang pagpatay ka Ka Marcing, pati yung pagpaslang sa isang lider sa Baguio at Tacloban na konektado sa Bayan Muna. Linilinlang na ng estadong ito ang mamamayan at binubuo na nila ang takot sa kaisipan nila upang mapilitan silang tumigil sa pagtatanong at pagiging kritikal sa mga patakaran ng estado. Nais na rin ng estado at militar na patahimikin ang media sa pagiinterbyu ng mga inaakusahang terorista ng bansa, pati ang hukbong nakikipaglaban para sa pagpapalaya ng bayan. Banggitin na rin natin ang Balikatan ng mga Kano at Pilipinong sundalo sa Quezon at Aurora, na tinatago nila bilang humanitarian mission kuno, subalit ang pagtingin ng mga kasama ay pawang pagkabisado lamang ng mga tropang Kano sa terrain at kundisyon ng mga lugar kung saan pinakamalakas ang Bagong Hukbong bayan. Ganitong-ganito raw ang hitsura noon sa Vietnam bago ang digma nina Ho Chi Ming, puro military exercises, dati laban sa Komunismo, ngayon laban sa terorismo kuno. Pero ang higit na masalimuot na usapin ay ang lantarang pagpipilit ng militar at ni Gloria Macapagal Arroyo ng dalawang batas – ang national ID system at ang Anti-Terror Bill. Para labanan daw ang terorismo. Kalokohan! Baka para gawing legitimate ang paglabag at pamababara ng estado sa pundamental na karapatang pantao ng mamamayan lalo’t higit sa paggiit ng mga lehitimong karaingan. Ngayon pa nga lang na wala pang ATB at NIDS, kabi-kabila nang mga lider ang pinapatay, lalo sa panahong naipasa na ang dalawang panukalang batas na ito, at mayroong na silang ipakikitang batas para sandigan ng mga krimen nila sa mamamayan.
Sa mga panahon ng pinagsanib na tumitinding krisis sa pulitika at ekonomiya, laging kinakailangan ng naghaharing-uri na ikonsolida ang kapangyarihan nito at hawak sa estado poder at babalingan nito ang hukbong niyang mersenaryo na lumalaban para sa interes ng iilan lamang. At sa panahon tumitindi ang krisis sa ekonomiya, siguradong papaabante rin ang matinding paglawak ng masang nagtatangkang lumaban at palitan ang hungkag sa sistema. At sa pagtindi ng isang kilusang mapagpalaya, kinakailangang ding itaas ng estado ang antas ng pasismong nagaganap, upang biyakin ang nagkakaisang pakikibaka ng mamamayan at makalimutan ang mga lantarang kontradiksyon. Para ito makahinga kahit sumandali ang papadausdos na sistema, makabangon mula sa krisis at makalikha ng mga bagong paraan kung papaano manlilinlang at muling makikinabang.
Magiging malaki ang kasalanan ng media kung isusuko nila ang karapatan nila sa pamamahayag para lamang labanan ang terorismo kuno, sapagkat lalong titindi ang terorismo kung pababayaan na lamang na tanging estado na lamang ang magpahayag ng impormasyon kung ito mismo ang siyang nangungunang terorista ng bansa! Maging malinaw dapat sa media kung ano ang terorista at kung sino ang lumalaban sa maling patakaran at pagpapakatuta ng estado sa dayuhan. At may dahilan upang maniwala na hindi naman talaga terorista ang nais tugisin ng pamahalaang ito kundi basagin lamang ang lumalawak na hanay ng sambayanang nagtataguyod ng pambansa-demokratikong pakikibaka sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan bilang pangunahing porma ng pakikibaka. Madalas ang inaakusahan ng media na siyang mga terorisya ang siya palang nangunguna sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa mga liblib na pook sa kanayunan, na kailanman ay hindi kinayang gawin ng naghahari-harian papet na estado. Bagamat malinawan sana ang media rito, may kumpyansa naman ako sa malawak na hanay ng mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan na hindi sila magpapalinlang.
Natatakot ako sa nakaambang panganib na dulot ng dalawang panukalang batas na ito. Takot naman talaga akong mamatay, kahit masugatan man lamang. Pero ano ba naman iyon, kung para sa sambayanan ang dahilan ng sakripisyong ito. Tumataya ako na kung ipasa nila ang ATB at NIDS, marami sa mga kasama ang tiyak na dudukutin at mapapaslang. Nakakakaba talaga pero nakatitiyak ako na ang antas ng pasismong ito ang siya ring magiging hudyat at mitsa ng papatinding pakikibaka at hihigitan ang lakas na inabot noong panahong unang tumindi ang pasismo sa bansa.


Matagal nang patay si Marcos ngayon. Nanatili pa rin tayo.

Bakit Tayo Natalo?

Pasensiya kung mahaba, malabo at mapanghimasok.

Pundamental sa mga kasama ang prinsipyong kongkretong pagsusuri sa konkretong kalagayan. Natalo tayo sa eleksiyong ito sapagkat nagkulang tayo sa malalim na pagsusuri sa obhetong kalagayan ng UP Manila sa taong ito. Bagamat lumaki ang hanay ng mga aktibista natin lalo mula sa first year, dumausdos ang pagkilos ng USC na hawak natin ngayong taon. Walang mga proyektong tumatak sa isipan ng mga Iskolar ng Bayan liban sa mga maliliit na mobilisasyon na karamihan ay bitbit lamang ang mga abanteng estudyante ng CAS, hindi pa kasama ang anim na iba pang mga kolehiyo. Naging matunog ang USC sa pagsusulong ng UP Widem II at pagkritik sa panukalang batas na katulad ng SB2587 subalit hindi naging sapat ito upang makonsolida ng mga kasama ang mga panggitnang estudyante sa pamantasan. Nagkaroon ng mga konsultasyon, oo, pero hindi pa rin ito sapat, lalo’t higit sa pagpopropa nito sa mga estudyante. Babagsak tuloy ito bilang simpleng sloganeering lamang. Dagdag pa, ang talagang kumilos lamang sa alyansa sa loob ng konseho ay ang mga kasamang bahagi talaga ng mga mass orgs natin. Hindi naramdaman ang ibang nanalo noon isang taon. Sa usapin ng pagtakbo ng walang kalaban, higit na matindi ang pagtatayang kinakailangan ng mga nanalo sapagkat napakalaki ng kailangang patunayan ng mga ito kung bakit hindi sila dapat natalo sa abstain. Hindi ito nagawa. Sa konseho, hindi sapat na gumawa lamang ng mga kampanya laban sa mga isyung hindi maka-estudyante, bahagi ng dynamics ng konseho ang pagkakaroon ng mga malalakin at maliliit na proyektong mararamdaman ng estudyante sapagkat ito ang come-on ng konseho sa mga estudyante na makilahok sa higit na militanteng pagkilos paglaon. Ang konseho kasi ay hindi katulad ng mga mass org. Ito ang demokratikong sentro sa mga pamantasan na may kakayahang maghamig ng panggitna at mga atrasadong estudyante upang kumilos at makibaka laban sa badyet cut at UP charter. Hindi rin maaasahan ang alyansa na siyang gagawa nito sapagkat wala namang mandato ang alyansa na maghimok sa mga estudyanteng kumilos. Kaya ganito na lamang ang kahalagahan ng papel ng Konseho. Nakaapekto nang bahagya ang mga relatibong matagumpay na proyekto ng CAS-SC at Med Council ngayong taon na siyang pinagmumulan ng malaking porsyento ng mga lider ng kabilang partido. Tulad ng sabi ko sa ibang mga kasama, sa panahong hindi malaki ang mass base, at may porsyento ng mga estudyante na atrasado at hindi natin napupulitikahan, napakalaking bagay ng mga proyekto. Bukod pa rito ang pagkapaso ng mga estudyante sa dalawang taon ng konseho na hindi naramdaman. Hindi maaasahang dumalo ang estudyante na sumama sa higit na mataas na antas ng pagkilos kung hindi nga natin sila mapadalo sa mga maliliit na pagkilos, tulad ng simpleng konsultasyon ng charter na kinailangan pang humatak ng mga klase ng mga kaalyadong guro. Mabuti at nakikilaban tayo sa Senado at sa Mendiola subalit kung bahagyang nakalilimutan naman natin ang masang estudyante sa anumang antas man ng kamulatan nito, wala rin tayong patutunguhan. Subalit sinasaluduhan ko ang mga mass orgs natin na talagang nagtatrabaho sa buong taon upang magpropa at talagang pamunuan ang alyansa. Bilang tagamasid ng alyansa mula sa labas, kailangan kong amining maraming kailangang irepaso, hindi sa linyang pulitikal kundi sa estilo ng paggawa. Mahusay na ang alyansang ang may pinakamalaking bilang ng member orgs subalit hindi naman sapat na marami lang tayo kung hindi rin naman natin makonsolida ang mga LTO na nakapaloob dito. Hindi dapat napapaso ang mga estudyante sa alyansa at sa konsehong pinamunuan natin kung tinitiyak ng alyansa na kumikilos ang mga tao nito sa konseho. Alam kong may sariling demcen ang mga ito bukod sa alyansa na madalas pyudal pa ang relasyon, kaya tila mahirap manghimasok subalit sa oras na tumakbo sila sa konseho at nanalo, ang pananagutan nila ay hindi na sa sarili, sa simpleng brod, sis o alyansa kundi sa malawak na hanay ng Iskolar ng Bayan na bumoto sa kanila, na siyang dapat nating inoorganisa at minumulat. Napapaso sila sa alyansa dahil sa kakulangan ng pagkilos ng mga kaalyado natin. Napakalaking dagok nito sa pagpropropaganda natin, lalo’t higit sa buong larga ng pambansa-demokratikong kilusan. Nagagasgas tuloy pati ang mga dalisay na pagkilos ng mga kasama at nagiging mga simpleng mga taong rali lang nang rali, ingay lang nang ingay at nakalilimutan ang masang estudyanteng dapat nilang sinasama sa mga pagkilos nila. Malaking pagpuna ang kinakailangan sa mga kaalyado natin dahil dito. Hindi ito simpleng frat or sorority glory lang kaya tayo nagpapatakbo sa konseho, kundi para mapalawak ang pagoorganisa at pagpapakilos sa balangkas ng pambansa-demokratikong linya. Pagpuna rin sa atin dahil may kakulangan ang komiteng siyang dapat namamahala sa pagkokonsolida ng mga miyembrong org. Hindi rin tayo dapat nagkakasya sa pagpapatakbo ng mga tao dahil wala nang ibang makuhang kandidato mula sa mga member orgs. May pinatakbo tayong hindi naman talaga kumilos sa lokal na konseho at pinatakbo pa sa mataas na posisyon. Ganoon din ang nangyari noong isang taon. Kilatisin dapat ng mga kasama kung sino ang talagang kikilos at kung sino ang pinatatakbo lang dahil wala nang ibang mapapatakbo dahil ang bawat pagkukulang at kawalan ng pagkilos ng mga alyado ay mayroong malaking epekto sa pagkilos natin. Wala dapat kompromiso. Maling kalakaran ito sapagkat napakaramin namang mga lider mula sa hanay ng masang estudyante na gusto sanang tumakbo ngunit hindi naman natin nauugnayan. Walang pilitan ang pagtakbo sa konseho tulad nang walang pilitan ang usapin ng pakikibaka at rebolusyon. Pundamental na aral iyan, kasama. Hindi kailangang sa LTO iasa ang hindi kayang mapunuan ng mga MO. Nariyan ang masang estudyanteng naghihintay na anyayahan natin. Matuto sa masa, dahil hindi natin alam ang lahat bagamat tayo ang may tangan ng tamang linya, at ibalik natin sa kanila ang dapat na pagpapahalagang natatanggap nila mula sa ating nagtataguyod ng karapatan at interes nila. Hindi lang tayo nagpapatakbo para manalo, kundi mas malayo ang tinatanaw dapat natin, kung paanong higit na mapalalawak ang ating mga hanay sa bawat pagkakataong nakaamba sa ating harapan para makatulong sa pambansa-demokratikong rebolusyon. Kaya naging hungkag din ang mga pagsubok na pagbatikos sa kakayanan ng kalaban. Walang dating sa masa ang magsalita ang isang alyansang bingyang nila ng pagkakataong maglingkod ng dalawang taon ngunit hindi naramdaman. Nahirapan tayo dahil mga kasama lang natin ang kumilos at dalawa lang sila. Bagamat nariyan tayo upang tumulong, ang dalawang mukha ay hindi sapat para makakilos bilang isang dinamikong konseho. Nagmukha pa tuloy tayong sektarian imbes na ipakitang tayo ang siyang may kakayahang ipagkaisa ang mga Iskolar ng Bayan. Ang pagkapanalo nila sa pinakamatataas na posisyon at ang pagkapanalo ng abstain sa lokal ay resulta ng malalim na pagkapaso ng mga estudyante sa mga maling gawi na binanggit ko kanina.

Subalit ang mga paso ay samantala at naghihilom din ang sugat. Ang pagkatalo natin ay taktikal na pagkatalo lamang. Ang masa sa huli ang siyang mapagpasiya. Magtasa tayo nang malalim, magpuna kung kinakailangan at magwasto sa mga pagkukulang. Tuloy pa rin ang pagkilos at paglaban, hindi naman ito ang rurok ng pakikibaka. Subalit marubdob na pagpupugay ang ipinaaabot sa pagpaparami ng mga bagong kasapi ng YS! Walang dapat ikabahala dahil tangan natin ang tunay na linyang magpapalaya ng sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan.

Mabuhay tayo mga kasama!


Music Elitism

God, am I guilty of that. I, and my petty-bourgeoisie music taste deserve to be taken for a grand reeducation in the hills of what-have-you. I am fond of Dave Matthews Band, Keane, chill-out music, EBTG, Jazz, John Mayer and Stephen Speaks (before they sold out here) and the acoustic balladeers like Paolo Santos, before he went singing on TV, and the songs of Cynthia Alexander. It is incredibly true that the elite does build its own culture of distinction and accumulates its own flimsy cultural capital to separate themselves from the ravages of popular culture hell-bent on turning the masa into drones of consumerism. I am witness to it all. When i was studying in the school by the hill overlooking Marikina, we created our own subculture to combat the mainstream culture that was parading itself on television and other forms of media. I listened to DMB because it sounded great with its jazz fusion songs, among others but also to demarcate my musical taste from the usual Incubus and Limp Bizkit lifestyle of the common dudes. I listen to Jazz and EBTG because the sounds are eclectic and pleasing to the ear but it does make you look more mature and affluent than you really are if you listen to such music, veering away from the mainstream hits of Britney and Brit boy bands which had head exposure on the airwaves. I turned to Paolo Santos and the other acoustic acts because they sand songs which were simple, beautiful and more importantly, rarely played on the radio. Rarity cuts you above the rest, especially at a time when the people are saturated with Outkast and Coldplay. Stephen Speaks was a former favorite. It was the best kept secret of the young elite circles before Magic 89.9 played it outright one Sunday afternoon. I still love Cynthia Alexander because of the uniqueness of her music and also to have a favorite artist which is neither mainstream nor a one-hit-wonder. Songs of those bands I mentioned above were massively played on the car stereos, mp3 players and boom boxes of my friends. But when, by sheer capacity of discovering profitable material, the radio stations overplay it due to mass clamor and requests, they say bye-bye to the songs and artists they once deified. The likes of Stephen Speaks and John Mayer all vanished from the players of the elite, when the masa discovered them. But DMB, EBTG and all the others, especially the chill out record by Anton Ramos remains in their iPods. These are music styles which would not be easily understood by the masa used to hearing ballads of Pinoy crooners and teeny-bopper sensations.
I bet the elite continue to create their alternate culture as I write this down, which I have no knowledge of anymore. I’d rather listen to Buklod or Tambisan, If at all Bukaspalad now. No more cool music for me. Haha only sometimes. There is much suffering in this world to be that artsy-fartsy a musical person.

Powerplant

Powerplant is my little side of heaven on earth. Watching a date movie there is superb; your girl would want to bring you home to her daddy afterwards. Although I complain about the monotony of restaurants at the basement (I can’t afford the more expensive ones outside the mall), I’d pick that small mall in Rockwell over any other mall anytime. You can walk around outside because there are only a few cars moving about, unlike in Ayala Center where the traffic is so bad you can make out in the car. You see a forgivable amount of people who also go there to chill out and for the same reasons as I have mentioned above unlike the army of families and people in Megamall swarming its floors with most of them buying hardly anything. The mall smells good, as well as the people. Although I don’t, at least I don’t smell as bad as the people who herd the rundown malls of Isetann and Farmer’s Plaza. And I am awfully sure that it would take forever for the anime polo guy from Barangay Cembo in Makati to reach Rockwell, if at all they have the cash to commute to JP Rizal; if at all, the guards will allow them to enter. Hey, don’t get me wrong now. You know who’s side I am fighting for. For smelly ones of course. The unwashed and all other derogatory adjectives you can ever think of. But I am writing this piece purposefully to highlight the contradictions of culture. As with music, the elite also builds it own centers of culture and commerce, different from that which is available for mass consumption. Powerplant is a temple of urban opulence and excess in much the same way that Cubao is the haven for the marginalized and penniless wanderers, shopping for their aluminum can of biscuits to bring home to their relatives in some god-forsaken town. Powerplant makes you forget that your boss won’t promote you until you sleep with him. AliMall makes the poor chap forget he hardly has any money at all. Powerplant makes you drool over the Charioll bracelet worth 10k. Isetann makes the probinsyana Guzman Tech student fantasize about the 50 peso earrings in one of the tiangges in Divisoria. Powerplant makes you want to buy the herbal exfoliating soap by Lush. The full-time kasama even has problems buying a decent soap that lathers easily. All that I am saying now is that as the interests of the exploiter and the exploited are conflicting, so is the culture that they live by and the cultural institutions that they embrace because the class concept of culture is enmeshed deeply in the socio-economic conditions of the class. Yet, it is the ruling class which creates the cultural code in which the ruled people of a society conduct the affairs of culture and it is the people who will have to contend with that culture without substance, idiotized by the mass media that serves as a mouthpiece to prevent the masses from embracing a culture deeper and more liberating than what they now know. There was a need to create Powerplant as a watering hole of the elite. Glorietta was getting too crowded with people different from their own as had been the case of Megamall and Galleria before. To see themselves with these poor chaps would be dragging themselves to the level of the uneducated and the landless and the unemployed.

Then the social divide worsens as a result of blatant distinctions like such and the contradictions get highlighted further. But I hope the people have not been duped that much by culture and TV to believe that the contradictions are non-existent anymore.

I’d still visit Powerplant when I have the time to do so. To watch a good movie perhaps. It’s a stuggle, I know.

Those Crazy Soap Operas

I have a great dad. I would not be this political now had he not let me sit by his side during late-night talk shows when I was a little boy. He watched it every night as did I, though I did not understand much of the flurry of politics then. I even remember Louie Beltran explaining his side on the coup de tat booboo he remarked about Cory Aquino. I did not understand how funny it was till Prof. Bobby Tuazon explained it in my PolSci 14 class. He’s a surgeon by profession but he usually stays at home, as he had been sidelined since 1990 due to heart attacks. He’s not willing to take the stressful risk anymore. Aside from TV, he washes the clothes, reads the papers and takes care of his fighting cocks in our back yard. Cockfighting put what he saw on tv, read on the papers and heard on the radio, into its proper perspective because he got to meet people. The unwashed I often talk about in my other entries. It gave him an eye for serving the masa, in his own little way. As they huddle outside our Sampaloc apartment watching the cocks spar and practice, it also turns into one big discussion group of sorts, talking about current events, politics and all. But he doesn’t have any political line, save for his love for the masa above all else, which would make him a good ND recruit for the elderly haha. In the past couple of years, he has distilled crap from the real deal on news and even culture. He listens to progressive radio broadcasts of that of Joey Munsayac and Popo Villanueva and reads the columns of Randy David, Alex Magno(before he sold his soul to the devil) and Conrado de Quiros. He doesn’t watch television much, except when watching sports, the evening news and the late-night talkshows. But lately, he has been constantly watching the daily episodes of Hiram and Mulawin! God! Though I suspect it’s because of a fixation for Heart, Anne and Angel, it’s unlikely of him to choose them over the 9 o clock talk shows in ANC! I was watching Angelo Reyes lie on national TV during one ANC talk show and instead of him watching with me, he requested me to change the channel. Hiram na, hiram na. These are petty matters, I know but with deeper implications. Is mass culture and Heart, the face that now symbolizes it all, that seductive and alluring even to change the ways and lifestyle of my dad to that of the masa appealed by the glitz and glamour of showbiz? An enduring mass culture of that magnitude with the capacity to persuade even the most grim and determined of comrades is a big enemy in itself because it serves to deceive the people from the reality of their situation and the gravity of the social contradictions. As you said, it functions to sustain the prevailing social system and essentially reproduce the relations of production. Or has my dad been jaded and saturated that much now as to think that inaction and seeing Anne Curtis smile is better than knowing how crazy this country is? Perhaps, but I’d like to believe that he just got burned out a little and needed a healthy respite from the shabby manner the mainstream opposition conducts its affairs and the long waiting period needed for reorganization of the mainstream Left. It’ll come to pass. He’s still keen on seeing the real revolution he has long hoped for. But what I dread is the power of the television to make the masa stupid, those whom we rely on as the main and primary forces of the revolution to come. How will they contend with the contradictions when they dream about Dina Bonnevie and Boyet de Leon every night? How will the revolution start if they are hypnotized by the TV to stay in their homes instead of fulfilling their destinies as a people, and as a class? This mass deception has got to stop now as the path to liberation is getting clearer as the contradictions swell by the day and the people readies their arms to win their war for national democracy.

Wednesday, March 09, 2005


Kasama, hindi masasayang kailanman ang dugong inalay mo para sa sambayanan, para sa masang api, para sa pagpapalaya ng tanikala ng uring magsasaka. Habang nagpapatuloy kaming kumilos para mulatin ang pinakamalawak na hanay ng masa nang sa wakas ay makipaglaban, sa alaala mo at sa iba pang mga martir ng kilusan iaaalay ang bawat tagumpay. Darating din ang araw kasama, lalaya rin ang lupa at bawat patak ng dugong binuwis ang siyang binhi ng lipunang mapagpalaya at makatarungan. Magwawakas din sa dulong abot-tanaw ang pagsasamantala at pagdarahop ng mamamayan. Kami ay magpapatuloy, kasama, habang hindi nagtatagumpay at hindi nakakamtan ang tunay na kalayaan. Mabuhay si Kasamang Abel Ladera! Martir ng Rebolusyon, Bayani ng Sambayanan! Posted by Hello

Tuesday, March 08, 2005


Kabataan, tumungo sa kanayunan. Makipamuhay at matuto sa masa. Bigkisin ang hanay, makibaka hanggang sa tagumpay! Posted by Hello


Ilang sandali ng pahinga at tatahak na namang muli ang mga kabataang ito sa pag-ikot at pagbisita ng mga baryo at sitio sa palibot ng malawak na asyenda. Posted by Hello


Ilang kabataan mula sa Pi Sigma Fraternity ang dumayo mula pa sa Pamantasan ng Pilipinas sa Maynila upang makiisa sa pakikibaka at pakikipaglaban ng mga manggagawang bukid at mamamayan ng Asyenda Luisita. Posted by Hello


Bawal ang magtanim ng kahit anong gulay sa malawak na tubuhan ng asyenda. Ganunpaman, nakapagtatanim na ang dalawang mga magsasakang ito ng kanilang maliit na gulayan, nababakuran na rin nila ito. Hindi dahil pinagbigyan na sila ng burgesya-komprador, kundi, dahil ang bahaging ito ng asyenda ay sakop na ng sonang gerilya ng hukbong bayan. Posted by Hello


Sa gitna ng tubuhan, narito sila. Hindi sila makapagsalita ng Kampampangan o Tagalog man lang. Hinatak mula sa kahirapan ng Negros patungo sa panibagong paglugmok sa tunggalian at kontradiksyon Posted by Hello


Dalawa silang magkakapatid. Dinala sila rito sa asyenda ng kanyang mga magulang mula pa sa Negros. Hindi siya nag-aaral at tumutulong na lamang sa gawaing bukid. Posted by Hello


Hacienda Luisita, ika-6 ng Marso 2004 - Ito ang tahanan ng mga sacada sa Hacienda Luisita, walang dingding at butas-butas ang mga bubong. Ang mga sacada ay kinuha pa ng mga may-ari ng asyenda mula sa Negros upang magbungkal ng lupa at magtanim ng tubo. Binabayaran sila ng 110 piso kada isang tonelada ng naaning tubo. Sila ang pinakalugmok sa kahirapan sa buong asyenda, walang karapatang lumaban at magwelga dahil kontrakwal ang kabuhayan. Posted by Hello

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home