Tuesday, March 08, 2005
Hacienda Luisita, ika-6 ng Marso 2004 - Ito ang tahanan ng mga sacada sa Hacienda Luisita, walang dingding at butas-butas ang mga bubong. Ang mga sacada ay kinuha pa ng mga may-ari ng asyenda mula sa Negros upang magbungkal ng lupa at magtanim ng tubo. Binabayaran sila ng 110 piso kada isang tonelada ng naaning tubo. Sila ang pinakalugmok sa kahirapan sa buong asyenda, walang karapatang lumaban at magwelga dahil kontrakwal ang kabuhayan.