Tuesday, March 22, 2005
Pasismo: Ang pagbabalik
Nakupo. Yari na naman ang mga nakikibaka para sa demokrasya at kalayaan. Hinahanda na ng reaksiyonaryong estado ang entablado upang mabigyang katuwiran ang papahigpit na kontrol ng estado sa liig ng mamamayang Pilipino. Nagsisimula nang muli ang mga bombahan sa mga sentro ng komersyo, kung saan maraming tao at maraming mamamatay. Pinatitingkad pa ng pamahalaan ang masaker na ginawa nila sa mga Abu Sayaff sa Camp Bagong Diwa, na tila yata pipiyok at magsasalita kahit kaagad nang tinuluyan ng kapulisan. Nariyan din ang papatinding militarisasyon sa kanayunan at ang kabi-kabilang pamamaslang ng mga lider ng pambansa-demokratikong kilusan at ng mga sumusuporta rito. Sa loob lamang ng tatong linggo, higit sa lima nang mga lider ang pinaslang o dinukot ng pinaghihinalaang puwersa ng military, kabilang ditto ang nakilala kong konsehal na si Kagawad Abel Ladera, na siyang tanging pulitikong tumutulong at nakikipaglaban para sa mga magsasaka ng hacienda luisita. Balik-tanawan na rin natin ang masaker sa Luisita noon isang taon at ang pagpatay ka Ka Marcing, pati yung pagpaslang sa isang lider sa Baguio at Tacloban na konektado sa Bayan Muna. Linilinlang na ng estadong ito ang mamamayan at binubuo na nila ang takot sa kaisipan nila upang mapilitan silang tumigil sa pagtatanong at pagiging kritikal sa mga patakaran ng estado. Nais na rin ng estado at militar na patahimikin ang media sa pagiinterbyu ng mga inaakusahang terorista ng bansa, pati ang hukbong nakikipaglaban para sa pagpapalaya ng bayan. Banggitin na rin natin ang Balikatan ng mga Kano at Pilipinong sundalo sa Quezon at Aurora, na tinatago nila bilang humanitarian mission kuno, subalit ang pagtingin ng mga kasama ay pawang pagkabisado lamang ng mga tropang Kano sa terrain at kundisyon ng mga lugar kung saan pinakamalakas ang Bagong Hukbong bayan. Ganitong-ganito raw ang hitsura noon sa Vietnam bago ang digma nina Ho Chi Ming, puro military exercises, dati laban sa Komunismo, ngayon laban sa terorismo kuno. Pero ang higit na masalimuot na usapin ay ang lantarang pagpipilit ng militar at ni Gloria Macapagal Arroyo ng dalawang batas – ang national ID system at ang Anti-Terror Bill. Para labanan daw ang terorismo. Kalokohan! Baka para gawing legitimate ang paglabag at pamababara ng estado sa pundamental na karapatang pantao ng mamamayan lalo’t higit sa paggiit ng mga lehitimong karaingan. Ngayon pa nga lang na wala pang ATB at NIDS, kabi-kabila nang mga lider ang pinapatay, lalo sa panahong naipasa na ang dalawang panukalang batas na ito, at mayroong na silang ipakikitang batas para sandigan ng mga krimen nila sa mamamayan.
Sa mga panahon ng pinagsanib na tumitinding krisis sa pulitika at ekonomiya, laging kinakailangan ng naghaharing-uri na ikonsolida ang kapangyarihan nito at hawak sa estado poder at babalingan nito ang hukbong niyang mersenaryo na lumalaban para sa interes ng iilan lamang. At sa panahon tumitindi ang krisis sa ekonomiya, siguradong papaabante rin ang matinding paglawak ng masang nagtatangkang lumaban at palitan ang hungkag sa sistema. At sa pagtindi ng isang kilusang mapagpalaya, kinakailangang ding itaas ng estado ang antas ng pasismong nagaganap, upang biyakin ang nagkakaisang pakikibaka ng mamamayan at makalimutan ang mga lantarang kontradiksyon. Para ito makahinga kahit sumandali ang papadausdos na sistema, makabangon mula sa krisis at makalikha ng mga bagong paraan kung papaano manlilinlang at muling makikinabang.
Magiging malaki ang kasalanan ng media kung isusuko nila ang karapatan nila sa pamamahayag para lamang labanan ang terorismo kuno, sapagkat lalong titindi ang terorismo kung pababayaan na lamang na tanging estado na lamang ang magpahayag ng impormasyon kung ito mismo ang siyang nangungunang terorista ng bansa! Maging malinaw dapat sa media kung ano ang terorista at kung sino ang lumalaban sa maling patakaran at pagpapakatuta ng estado sa dayuhan. At may dahilan upang maniwala na hindi naman talaga terorista ang nais tugisin ng pamahalaang ito kundi basagin lamang ang lumalawak na hanay ng sambayanang nagtataguyod ng pambansa-demokratikong pakikibaka sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan bilang pangunahing porma ng pakikibaka. Madalas ang inaakusahan ng media na siyang mga terorisya ang siya palang nangunguna sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa mga liblib na pook sa kanayunan, na kailanman ay hindi kinayang gawin ng naghahari-harian papet na estado. Bagamat malinawan sana ang media rito, may kumpyansa naman ako sa malawak na hanay ng mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan na hindi sila magpapalinlang.
Natatakot ako sa nakaambang panganib na dulot ng dalawang panukalang batas na ito. Takot naman talaga akong mamatay, kahit masugatan man lamang. Pero ano ba naman iyon, kung para sa sambayanan ang dahilan ng sakripisyong ito. Tumataya ako na kung ipasa nila ang ATB at NIDS, marami sa mga kasama ang tiyak na dudukutin at mapapaslang. Nakakakaba talaga pero nakatitiyak ako na ang antas ng pasismong ito ang siya ring magiging hudyat at mitsa ng papatinding pakikibaka at hihigitan ang lakas na inabot noong panahong unang tumindi ang pasismo sa bansa.
Matagal nang patay si Marcos ngayon. Nanatili pa rin tayo.