Tuesday, May 10, 2005

Summer Travels: Atrasadong Masa ng Kanayunan

kakaiba ang araw na ito. Hindi na lamang kaming tatlo ang lumarga. Sinama namin si wate at jeff-mga anak ng magsasaka. Pumunta kami ngayong araw sa daniw, isa sa mga pinakamahirap na baryo sa buong victoria. Nakakapanghina ang lugar na ito. Napakaliit ng lupang sakahan na pag-aari ng iilan at pinagtitiyagaang tamnan, anihin at gapasin ng napakaraming manggagawang bukid. Kaunti lang ang kasama, at wala ring silbi sapagkat himod-tumbong sa pml at gumaganap pang katiwala ng pml sa pagsingil sa manggagawang bukid ng hulugan sa loteng kinatitirikan ng mga bahay nila. Subalit ang pinakanakapanlulumo ay iyong pagkaatrasado ng lahat ng aspeto ng kanilang komunidad- sa pulitika, ekonomiya, kultura at mismong sa kaisipan sa sariling pagpapahalaga na tila repleksiyon ng kay tagal na panahong pambubusabos, kawalan ng pag-asa at pagkatali sa lupa. Kung sa san felix apoy ng pag-asa at pakikibaka ang nabakas namin sa mata ng aping magsasaka, mga mata, puso at isip na nakapinid ang sumambulat sa amin.

Summer Travels: Semi-Feudalism in Particular

Akala ko mahihirapan ako sa paggising ng maaga sa kanayunan. Hindi pala. Alas-6 gising na ako. Gising na rin si nanay at tatay.
Sa araw na ito, lumahok kami sa gawaing pamproduksyon ng pamilya Guevarra. Kay haba ng linakad namin patungo sa taniman ng melon nina tatay. Binagtas namin ang mahabang parang at pilapil ng kay lawak na palayan. Kay daming beses ko ring nadulas at nadapa. Nakakatakot ding tumawid doon sa mga kahoy na tablang nagsisilbing tulay sa mga bahaging may tubigang pang-irigasyon. Nagtayo na rin pala ang DAR ng sistemang pang-irigasyon dito sa pakikipagtulungan sa JBIC, isang funding agency na Hapones. Mabuti mayroon nito pero siyempre, hindi pa rin ito sapat upang maging matiwasay ang kabuhayan ng pamilyang magsasaka.
Ang pagtatanim at pagsasaka ay gawain ng buong pamilya. Si tatay ang siyang tagapaghanda ng matabang lupa, hango mula sa lupang binigyang sustansya ng tubig at dumi ng hayop. Si wate ang siyang tagapagtabas ng damong nagkalat sa taniman na humihigop sa sustansya ng lupa. Si kuya jason ang tagadilig ng mga pananim at tagapagtanggal ng kangkong sa tubig-irigasyon. Ang batang si JC ang taga-kuha ng cocodust. Ako at si Bari naman ang tagapalagay ng cocodust sa mga tanim. Si tatay naman ang tagapaglagay ng pataba at si nanay ang tagapagtanim ng binhi sa dibdib ng lupa.
Pumunta kami ngayong araw sa barangay ng san felix, isang liblib na barangay malapit sa bayan na isa sa mga sentro ng pagsasaka sa victoria. Kumilos dito ang akbayan nang ilang mga buwan, nagorganisa ng mamamayan subalit ayon sa masa, mahina na sila roon, pinaasa lamang ang mamamayan matapos mabilhan sila ng traktora na hindi naman magamit ng magbubukid. Nasa bahaging masapang na ata sila. Isang ka lea ang organisador nila roon. Ang pagtingin ng masa tuloy roon sa akbayan para magamit lang sa eleksiyon.
Ang kuwento ng limang magbubukid na nakausap namin ay may iisang kuwento- ang kababaan ng presyo ng palay sa komersyante, ang napakataas na salaping kailangan sa abono at suporta sa pananim, kawalan ng suporta ng estado sa agrikultura at magsasaka, pagpasok ng dayuhang produktong agrikultural at ang kawalan ng kasiguraduhan sa lupa mula sa pangangamkam at pagpapalit gamit ng lupa ng mga panginoong katulad ni juan tamad ay naghihintay lamang ng yamang mula sa pagpapasakit ng masang anakpawis. Nakita ni ka mario, ka andres, ka mentong, ka vic at ka fernando ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang samahang magbubukid pambayang nakasandal sa kilusang magbubukid panrehiyon at pambansa. Pinaalala namin ang karanasan ng hacienda luisita, kung saan naging sandigan ng pobreng magbubukid ang Alyansa ng Magbubukid ng Gitnang Luzon at ang pambansang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, katuwang ang iba't ibang pangmasang organisasyon ng manggagawa, kabataan, kababaihan at iba pang mga aping sektor ng lipunan. Hindi rin nagpahuli sa suporta ang makabayang mga partylist tulad ng Anakpawis, Bayan Muna at Gabriela, kasama ng buong lakas ng pambansa-demokratikong kilusan. Ang pakikipagtalakayan namin ang siyang nagbigay sa kanila ng panibagong pag-asa sa kanilang karapatan at hangaring sa wakas ay maipahagi sa kanila ang lupang ninuno pa nila ang siyang nagbubungkal sa dibdib ng lupa. Subalit binanggit din naming nasa mahigpit na pagkakaisa ng masang inaapi at pinagsasamantalahan nakakubli ang armas ng paglaya ng sambayanan.
Ang lipunang Pilipino ay tunay ngang mala-pyudal, batay sa partikular na karanasan namin sa kabukiran ng san felix. Napakalawak pa rin ng kanayunan para sabihing nagbago na ang pambansang moda ng produksyon. Nakatali pa rin sa tanikala ng makabagong pyudalismo ang malaking hanay ng magbubukid. Nariyan pa rin ang malulupit na panginoong maylupang nagpapairal ng hindi makataong porsyentuhan tulad ng 10-90 at buwisang doon na halos napupunta ang kabuuang kita ng magsasaka sa bawat anihan. Nariyan din ang napakataas na presyo ng puhunang kailangan ng magsasaka upang ihanda ang aanihing saka, na bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis at batayang pangangailangang epekto ng patakarang pangekonomiko ng estadong deregulasyon ng industriya ng langis. Nariyan din ang patuloy na mababang presyo ng palay dulot ng pag-aangkat ng dayuhang produktong agrikultural na bahagi ng papatinding liberalisasyon ng kalakalan. Ang dalawang ito ay kabilang sa balangkas ng neo-liberal globalisasyong humahagupit sa mamamayan ng daigdig.

Summer Travels: San Benito At Last

Sa wakas, nandito na ako sa kanayunan. Sa may bgy san benito, victoria, laguna. Nakikitira kami rito sa tirahan ni tatay baste at nanay minyang. Si ka baste ay isang kasamang bahagi ng kilusang magbubukid sa Timog Katagalugan. Malapit siya kay ka imelda. Lider magsasaka siya ng kanyang komunidad. May naipanalo nga siyang laban noong araw ukol sa pag-aari ng lupang sakahan. Nakuha nila ang lupang matagal na niyang sinasaka mula sa isang absentee pml. Dati pala siyang escort ni macoy, subalit 1979 nauugnayan na siya ng kilusan. Mula sa dalawang anihan 8 taon nang nakalipas nagmula ang perang pinampundar ng kanyang bahay na yari sa konkreto.

Summer Travels: Med Mission

Ako ay gagged sa araw na ito ng med mission. Napagkaisahan noong consol ng brods na magiging bahagi na ng med missions ang masinsinang ed ukol sa health sit ng bansa upang ilagay sa konteksto sa masa ang dahilan ng walang humpay na pagoorganisa at pagmulat sa masa ng kilusan. Na kaya may med mission ay dahil atrasado ang sistema ng kalusugan sa bansa dahil binabarat ng estado ang badyet para sa batayang serbisyo. Sayang naman kasi kung palalampasin ko ang pagkakataon lalot higit masa sa kanayunan ng real quezon ang siyang kaharap namin. Para anupang sumumpa kaming paglilingkuran ang sambayanan kung doleout medmission lang ang mangyayari. Rhetorics lang daw ang nilalaman ng papel ng head ukol sa health sit. Datos ang siyang laman ng papel na nagmula mismo sa estado. Kung paso na ang brod na ito sa simpleng datos pa lang pano na kung may interpretasyon na sa balangkas ng pambansa-demokratikong kilusan? Baka maiyak na lang siya nang di oras. Buti na lang nung binasa ng residenteng brods positibo ang tugon nila.
Pagdating sa real nagulat ako sa dami ng taong dumating para sa medmission. 400 mahigit katao na nakapila buong umaga sa amin. Nahimasmasan din ako sa isang sinabi ng brod ko- na salimpusa lang talaga ang frat sa proyektong ito. Oxfam talaga ang may hawak nito. Isang british ngo na may funding mula sa eu. Ang buong proyekto ay para sa earth day. Bahagi lang ang medmission. Concert talaga ang main event at doleout ng mga relief goods. Typical na ngo. Advocacy for advocacys sake. Kung pagpilitan ko ang health sit baka makatunggali pa namin yung oxfam. Buti sana kung aming amin yung project. Pinabayaan ko nalang. Subalit nainis ako sa ngo na ito. Hindi nila hinaharap ang tunay na isyu ng pagguho ng lupa sa quezon. Hindi ito simpleng usapin ng paglingap ng kalikasan. Tunggalian ito sa pagitan ng masa ng real at ng malalaking konsesyon ng pagkakahoy na malimit pml din ng malalawak na niyugan sa buong quezon. Matindi ang sala ng estado sapagkat sila ang nagpamahagi ng mga kontrata sa mga korporasyon. llang lupa dito ay bahagi ng lupaing ninuno ng mga katutubong dumagat at agta. Hilaw na pagasa ang dulot ng oxfam sa masa ng real. Pagtapos ng munti nilang pagpapasaya sa masa ano na? Pinaasa lang nila ang masa sa wala. Magagamot ba ang pamamaga ng bisig ng matandang magsasaka ng ilang piraso ng antibiotics na pangilang araw lang? Mahihilom ba ng matamis na kanta ni noel cabangon ang puso ng isang inang humihingi ng katarungan sa pagkamatay ng mga anak sa pagguho ng lupa? Hindi rin naman. Habang nananatili ang kasalukuyang sistema walang katarungang maasahan ang masa. At ang mga ngo na tulad ng oxfam ay nagsisilbi lang para pahingahin ang tumitinding kontradiksyon sa kanayunan. Bagkus protektahan ang umiiral na sistemang nangaapi at nagsasamantala, tukoy man nila ito o hindi. Umuwi akong hati ang puso. Masaya dahil napaglingkuran ang masa. Inis dahil hindi natumbok talaga dapat layunin ng araw na ito. Puno ng pagasa dahil alam kong naroon lamang sa palibot ng quezon ang hukbong balangaraw magpapalaya sa sambayanang api.


Summer Travels: Senado

Galing akong senado ngayon. Kagabi nga kinailangan kong magprint ng 22 kopya ng soli letter at 22 kopya ng programa ng kumbensyon para sa mga reaksyonaryong senador. Nahihiya nga akong pumunta doon magisa dahil baka marami na namang tanong yung staff lalot higit baka alam nilang isinama ng afp ang nusp sa listahan ng enemy of the state. Sa kabutihang palad wala namang nagtanong sa inikot kong mga opisina.
Nakakabagot palang umikot sa mga opisina ng senador. Kahit isang palapag lang halos silang lahat parang walang mapupuntahan ang pagod na ginugol ko para rito. Paano namay formula na ang paraan ng mga opisina sa mga sulat. Una iabot ko yung sulat sa staff babasahin nya kunwari sabay tatatakan. Tapos ipaalala kong ilagay nya kung sinong kontakin sabay abot nung maliit na papel na may pangalan at telepono. Tapos aalis na ako. Ganun kadali pero kung ang lahat ng opisina ng senador ay ganito hindi nakapagtatakang ambagal ng kilos ng reporma sa bansa. Nagkaroon pa nga ng isang pagkakataong hindi ko na kinailangang magsalita. Inabot ko nalang yung sulat tinatakan na nya.
Kakaiba yung mga tanggapan ng mga senador. Ibaiba yung ayos. Depende siguro sa klase at kapricho ng senador. Halimbawa ang opisina ni sen. Madrigal ay tila extension ng kanyang mansyon dahil tigib ng ornamento muebles at magandang ilaw. Parang kwarto sa forbes park! Hindi rin nagpahuli si sen joker. Bukod sa malaharing opisina may kasama pang staff na matandang babae na tila mayordoma ng kanyang munting mansyong nagpapanggap na opislna. Nakakaawa naman ang opisina ni mar roxas. Parang stockroom dahil tagongtago. Sa kabilang banda nakakatawa ang staff ni jinggoy estrada. Pagpasok ko akala ko natransport ako bigla sa mga tabitabing notaryo publiko sa padre faura! Sapagkat tatlong matatandang nakapomada at bihis na bihis ang humarap sa akin sa receiveing area. Pinaupo ako nung isa sa kanyang lamesa at hiningi ang soli letter. Binasa niya kuno ang sulat at naghintayako ng 2 minuto para matapos niyang basahin ito. Sabay tanong kung tungkol saan yung sulat! Umakyat ako sa 6th floor ng gusali dahil nandoon ang mga bosing ng senado. Pagdating ko doon sa opisina ni sen pimentel may nakasabay akong matanda sa pagpila. Marami rin siyang dalang mga sulat tulad ko. Minasdan ko ang letterhead ng sulat. Abay proletaryadong kasama! Taga kmu pala siya. Biniro ko," Kasama, magkikita-kita pala tayo sa mayo uno!" Natuwa siyang may taga-ys. Akala niya siguro nagiisa siya sa gusaling iyong sentro ng reaksiyonaryong pulitika ng bansa. Pagalis ko sa senado napaisip ako. Wala naman kaming mapapala sa soli letter. Kung meron man barya barya lang ng milyunmilyong pork barrel ng bawat senador. Malamang sa mga opisinang pinagbigyan namin, paper shredder ang kauuwian ng mga sulat namin.

Summer Travels: Benjie

Nagbonding kami ni kasamang Benjie ngayon. Sa mga gabing natutulog ako sa opisina, siya ang kakuwentuhan ko bago matulog. Tb sharing galore gabigabi. Kinukwento ko ang nakaraan ko sa rj, pamilya at pagibig. Siya man ay nagbahagi rin ng buhay niya..
Paibaiba ang paaralang napuntahan niya. Una sa lyceum at pcu. Ngayon sa adamson. Polsci siya roon. Naaalala ko si kasamang primo sa kanya. Tulad ni primo, siya yung laging nagpapatawa at nangaasar sa mga kasama. Hindi man siya ganun kabihasa sa teorya tulad ni primo, pareho silang lubog nang husto sa praktika ng rebolusyon. Ilang beses na siyang halos walang makain sa pagpupultaym, ilang beses na rin siyang umasa sa masang inoorganisa para sa tutuluyan. Bakas sa mukha niya ang maalab at mapagmahal na pagtataya sa masa at rebolusyon.

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home