Tuesday, May 10, 2005

Summer Travels: Senado

Galing akong senado ngayon. Kagabi nga kinailangan kong magprint ng 22 kopya ng soli letter at 22 kopya ng programa ng kumbensyon para sa mga reaksyonaryong senador. Nahihiya nga akong pumunta doon magisa dahil baka marami na namang tanong yung staff lalot higit baka alam nilang isinama ng afp ang nusp sa listahan ng enemy of the state. Sa kabutihang palad wala namang nagtanong sa inikot kong mga opisina.
Nakakabagot palang umikot sa mga opisina ng senador. Kahit isang palapag lang halos silang lahat parang walang mapupuntahan ang pagod na ginugol ko para rito. Paano namay formula na ang paraan ng mga opisina sa mga sulat. Una iabot ko yung sulat sa staff babasahin nya kunwari sabay tatatakan. Tapos ipaalala kong ilagay nya kung sinong kontakin sabay abot nung maliit na papel na may pangalan at telepono. Tapos aalis na ako. Ganun kadali pero kung ang lahat ng opisina ng senador ay ganito hindi nakapagtatakang ambagal ng kilos ng reporma sa bansa. Nagkaroon pa nga ng isang pagkakataong hindi ko na kinailangang magsalita. Inabot ko nalang yung sulat tinatakan na nya.
Kakaiba yung mga tanggapan ng mga senador. Ibaiba yung ayos. Depende siguro sa klase at kapricho ng senador. Halimbawa ang opisina ni sen. Madrigal ay tila extension ng kanyang mansyon dahil tigib ng ornamento muebles at magandang ilaw. Parang kwarto sa forbes park! Hindi rin nagpahuli si sen joker. Bukod sa malaharing opisina may kasama pang staff na matandang babae na tila mayordoma ng kanyang munting mansyong nagpapanggap na opislna. Nakakaawa naman ang opisina ni mar roxas. Parang stockroom dahil tagongtago. Sa kabilang banda nakakatawa ang staff ni jinggoy estrada. Pagpasok ko akala ko natransport ako bigla sa mga tabitabing notaryo publiko sa padre faura! Sapagkat tatlong matatandang nakapomada at bihis na bihis ang humarap sa akin sa receiveing area. Pinaupo ako nung isa sa kanyang lamesa at hiningi ang soli letter. Binasa niya kuno ang sulat at naghintayako ng 2 minuto para matapos niyang basahin ito. Sabay tanong kung tungkol saan yung sulat! Umakyat ako sa 6th floor ng gusali dahil nandoon ang mga bosing ng senado. Pagdating ko doon sa opisina ni sen pimentel may nakasabay akong matanda sa pagpila. Marami rin siyang dalang mga sulat tulad ko. Minasdan ko ang letterhead ng sulat. Abay proletaryadong kasama! Taga kmu pala siya. Biniro ko," Kasama, magkikita-kita pala tayo sa mayo uno!" Natuwa siyang may taga-ys. Akala niya siguro nagiisa siya sa gusaling iyong sentro ng reaksiyonaryong pulitika ng bansa. Pagalis ko sa senado napaisip ako. Wala naman kaming mapapala sa soli letter. Kung meron man barya barya lang ng milyunmilyong pork barrel ng bawat senador. Malamang sa mga opisinang pinagbigyan namin, paper shredder ang kauuwian ng mga sulat namin.

Comments: Post a Comment

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home