Tuesday, May 10, 2005
Summer Travels: Semi-Feudalism in Particular
Akala ko mahihirapan ako sa paggising ng maaga sa kanayunan. Hindi pala. Alas-6 gising na ako. Gising na rin si nanay at tatay.
Sa araw na ito, lumahok kami sa gawaing pamproduksyon ng pamilya Guevarra. Kay haba ng linakad namin patungo sa taniman ng melon nina tatay. Binagtas namin ang mahabang parang at pilapil ng kay lawak na palayan. Kay daming beses ko ring nadulas at nadapa. Nakakatakot ding tumawid doon sa mga kahoy na tablang nagsisilbing tulay sa mga bahaging may tubigang pang-irigasyon. Nagtayo na rin pala ang DAR ng sistemang pang-irigasyon dito sa pakikipagtulungan sa JBIC, isang funding agency na Hapones. Mabuti mayroon nito pero siyempre, hindi pa rin ito sapat upang maging matiwasay ang kabuhayan ng pamilyang magsasaka.
Ang pagtatanim at pagsasaka ay gawain ng buong pamilya. Si tatay ang siyang tagapaghanda ng matabang lupa, hango mula sa lupang binigyang sustansya ng tubig at dumi ng hayop. Si wate ang siyang tagapagtabas ng damong nagkalat sa taniman na humihigop sa sustansya ng lupa. Si kuya jason ang tagadilig ng mga pananim at tagapagtanggal ng kangkong sa tubig-irigasyon. Ang batang si JC ang taga-kuha ng cocodust. Ako at si Bari naman ang tagapalagay ng cocodust sa mga tanim. Si tatay naman ang tagapaglagay ng pataba at si nanay ang tagapagtanim ng binhi sa dibdib ng lupa.
Pumunta kami ngayong araw sa barangay ng san felix, isang liblib na barangay malapit sa bayan na isa sa mga sentro ng pagsasaka sa victoria. Kumilos dito ang akbayan nang ilang mga buwan, nagorganisa ng mamamayan subalit ayon sa masa, mahina na sila roon, pinaasa lamang ang mamamayan matapos mabilhan sila ng traktora na hindi naman magamit ng magbubukid. Nasa bahaging masapang na ata sila. Isang ka lea ang organisador nila roon. Ang pagtingin ng masa tuloy roon sa akbayan para magamit lang sa eleksiyon.
Ang kuwento ng limang magbubukid na nakausap namin ay may iisang kuwento- ang kababaan ng presyo ng palay sa komersyante, ang napakataas na salaping kailangan sa abono at suporta sa pananim, kawalan ng suporta ng estado sa agrikultura at magsasaka, pagpasok ng dayuhang produktong agrikultural at ang kawalan ng kasiguraduhan sa lupa mula sa pangangamkam at pagpapalit gamit ng lupa ng mga panginoong katulad ni juan tamad ay naghihintay lamang ng yamang mula sa pagpapasakit ng masang anakpawis. Nakita ni ka mario, ka andres, ka mentong, ka vic at ka fernando ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang samahang magbubukid pambayang nakasandal sa kilusang magbubukid panrehiyon at pambansa. Pinaalala namin ang karanasan ng hacienda luisita, kung saan naging sandigan ng pobreng magbubukid ang Alyansa ng Magbubukid ng Gitnang Luzon at ang pambansang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, katuwang ang iba't ibang pangmasang organisasyon ng manggagawa, kabataan, kababaihan at iba pang mga aping sektor ng lipunan. Hindi rin nagpahuli sa suporta ang makabayang mga partylist tulad ng Anakpawis, Bayan Muna at Gabriela, kasama ng buong lakas ng pambansa-demokratikong kilusan. Ang pakikipagtalakayan namin ang siyang nagbigay sa kanila ng panibagong pag-asa sa kanilang karapatan at hangaring sa wakas ay maipahagi sa kanila ang lupang ninuno pa nila ang siyang nagbubungkal sa dibdib ng lupa. Subalit binanggit din naming nasa mahigpit na pagkakaisa ng masang inaapi at pinagsasamantalahan nakakubli ang armas ng paglaya ng sambayanan.
Ang lipunang Pilipino ay tunay ngang mala-pyudal, batay sa partikular na karanasan namin sa kabukiran ng san felix. Napakalawak pa rin ng kanayunan para sabihing nagbago na ang pambansang moda ng produksyon. Nakatali pa rin sa tanikala ng makabagong pyudalismo ang malaking hanay ng magbubukid. Nariyan pa rin ang malulupit na panginoong maylupang nagpapairal ng hindi makataong porsyentuhan tulad ng 10-90 at buwisang doon na halos napupunta ang kabuuang kita ng magsasaka sa bawat anihan. Nariyan din ang napakataas na presyo ng puhunang kailangan ng magsasaka upang ihanda ang aanihing saka, na bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis at batayang pangangailangang epekto ng patakarang pangekonomiko ng estadong deregulasyon ng industriya ng langis. Nariyan din ang patuloy na mababang presyo ng palay dulot ng pag-aangkat ng dayuhang produktong agrikultural na bahagi ng papatinding liberalisasyon ng kalakalan. Ang dalawang ito ay kabilang sa balangkas ng neo-liberal globalisasyong humahagupit sa mamamayan ng daigdig.