Tuesday, November 29, 2005


nasa kanayunan ang rurok ng tunggalian. doon sa mga parang nakahanda ang mamamayan sa bawat kilos ng kalaban.
sipatin ang kalayaan!


sa bawat araw na pinapaslang ang magbubukid ng bayan, sanlibong ulit ang silakbo ng pakikibaka ng sambayanan!
sipatin ang kalayaan!


makibaka para sa sambayanan.
sipatin ang kalayaan!

Wednesday, November 16, 2005

Patungo tayo saan mula rito?

Patungo Tayo Saan Mula Rito?

Sintuso ng mga lobo ang mga anak mo
Inaapuyan ng ginto ang lupon ng ambisyoso
Dinadamitan ng elokwensiya ang bawat bugso
Ng kasinungalingang naglilingkod sa kabataang saplot ay dugo

Hindi inyo ang demokrasya
Hindi sa tulad ninyong alipin ng burgesya at panginoong-maylupa
Hindi sa mga tulad ninyong huwad na panginoon ng kabataang masa

Kundi sa aming alipin ng burgesya at panginoong-maylupa
Sa kabataang masang lumalaban at nakikibaka
Sa mapanganib na parang at mainit na kalsada;
Hindi sa inyong nakabulid sa panghahati ng masa at hungkag na reporma

Hindi inyo ang kinabukasan
Dahil kayo ang tunay na alipin
Lalaya ang masang kabataan
At wawasakin ang daan-taong pagkaalipin

Ang dating panginoon ay alipin pa rin.

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home