Wednesday, May 31, 2006
Sa Dapithapon ng Pag-Ibig
Hindi makukuha ang sagot sa pagkalimot. Tulad ng sabi mo, iyan ang pulitika ng pag-iwas.
Kung galit, magalit lang.
Nawawala naman iyan.
Hanggang ngayon, hanap ang yakap mo sa bawat sandali.
Subalit magtatagpo at magtatagpo namang muli.
Hihintayin din ang araw na mawala ang pighati.
Ito lang ang alalahanin: ang batayan ng pag-ibig ay nananatili -
tunay, ganap at wagas.
Sa huli, magtatagpo at magtatagpong muli.
Mahaba pa naman ang landas patungong kalayaan.
At ang pakikibaka at pag-ibig ay magkatulad din naman.
puspusan, ubos-kaya at mapagpalaya.