Thursday, October 20, 2005
Ukol sa Value-Free na Research
Nakausap ko nung isang araw yung kaklase ko sa Ateneo High School dati. Natuwa ako dahil yung mungkahi niyang paksa para sa research niya sa economics ay ukol sa rationalization policy ng government employees at ang epekto nito sa fiscal crisis. Ang nagbunsod daw sa kanya upang maisipan iuto ay ang pagiging malapit ng kanyang puso sa mga kawani ng kanyang nanay sa DENR. Matapos ang isang linggo, nakausap ko siyang muli at hindi tinanggap ang tesis niya. Bakit daw? Sabi ng kanyang thesis adviser, magiging subjective na ang research dahil may emotions na involved sa pagbuo ng thesis. Value-laden na raw tuloy ang research kung ganoon ang mangyayari. Sayang, imbes na mapagpalaya na sana ang thesis ng kaibigan ko, nauwi tuloy siya sa pangkaraniwan nang neo-liberal na thesis ukol sa kahalagahan ng foreign direct investments. Imbes na makikita niya sana ang kabulukan ng sistema, pinili ng kanyang thesis adviser na lamunin siyang muli ng isang pang-ekonomikong patakarang maka-dayuhan at kailanman hindi makabayan.
Hindi ko na siguro malalaman ang motibo ng kanyang guro sa pagbasura ng kanyang thesis topic subalit kalokohan na sabihin niyang magiging value-laden ang topic kung malapit sa puso mo ang paksang nais mong pag-aralan. Huwag na lang din nating aralin ang kalagayan ng mahihirap vis-à-vis mga patakarang pangkabuhayang nagpapahirap sa kanila dahil subjective na ito, may bias ka na kaagad. Tama si propesor Simbulan at mali si August Comte. Kahit anong pagsisikap ng isang dalubhasa na maging obhektibo sa kanyang pagsasaliksik, hinding-hindi niya ito magagawa dahil lagi’t laging may suhetibong kondisyon. Sa higit na militanteng pagtingin, ang pagpipilit na sa pagiging neutral o walang pinapanigan ay katulad na rin ng pagpanig sa sistemang mapang-api.
Sa paggiit ng titser ng kaibigan ko na huwag mo nang pag-aralan yang rationalization plan na iyan, sinasarado na rin niya ang utak niya sa malalim na potensyal ng pagbabagong panlipunang hain ng pag-aaral ng kalagayan ng mamamayan kaysa mga estadistika, tables at charts ng datos-ekonomiko. Lagi’t laging may pulitika sa pagsasaliksik. Maibabalanse lamang ang bias na ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga datos upang maging ganap na obhetibo ang mga ito at hindi simpleng propaganda o haka-haka.