Thursday, October 20, 2005
Teoretikal na Balangkas: Pagkapaso sa Marxismo
Tama si Ser John Ponsaran. Mapapako at mapapako ang DevStud student sa tunggalian ng uri, sa estado bilang instrumento ng naghaharing-uri, sa lipunan bilang mala-pyudal, mala-kolonyal. Napakarami raw teorya na maaaring gamitin. Nariyan ang functionalism na paborito ng mga sociologists upang ipaliwanag ang interdependency ng bawat sangay ng lipunan upang imentina ang social order. Nariyan din ang postmodern theories na gustung-gustong durugin ang meta-narratives, lalo na ang Marxismo sa pagpapaliwanag ng mga phenomena sa lipunan. Sabi ng iba, hindi na raw kasi uso ang class conflict at historical materialism. Passé na baga, lalo na dahil globalisado na raw ang mundo at natunaw na ang sosyalistang Rusya at kapitalista na ang dating matatag na Tsina. Sinasabing nabigo raw ang eksperimentong panlipunan ng sosyalismo kaya hindi na dapat ginagamit ito.
Subalit mahalagang itanong. Passe na nga bang talaga ang tunggalian ng uri? Wala na bang kontradiksyong nagaganap sa mga lipunan ng mundo, kahit sa first world? Tama bang sabihing dahil nabigo sa praktika ang ilang bansa sa sosyalismo ay mali na ito? Mali. Kaya bang sagutin ng postmodernism kung bakit naghihirap ang mamamayan ng mundo ngayon, sa panahon ng pataas nang pataas na langis, at kung ano ang tamang rekurso para rito?
Napakagaling ng teorya ni Marx sapagkat hindi ito nadudurog ng panahon, dulot ng panaka-nakang pagbulusok ng krisis sa mga bansa at sa mundo. Hindi rin nagiging paso ang kanyang mga sinasabi ukol sa pagpapalaya ng uri lalo na sa panahong sukdulan ang kontradiksyon sa loob ng mga bansa. Mainam ding gamitin itong balangkas upang ipaliwanag kung bakit naghihirap ang mga mahihirap na sector ng lipunan samantalang mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman. Hinahain ng Marxismo at ng lahat ng mga teoryang umusbong mula rito ang pagbibigay kapangyarihan sa walang kapangyarihang mayorya ng mga bansa upang mabigyan ng siyentipikong pagsusuri ang kalagayang panlipunan.
May pagtingin tuloy akong hungkag ang isang pananaliksik panlipunan na walang aspetong nagbabalangkas ng mga tunggalian sa lipunan na tila bagang isang panta-serye ang lipunan na sa dulo ng lahat ay magmamahalan ang mga bida at kontrabida.
Hindi ganito kadalisay ang dynamics ng lipunan. Lalong hindi paso ang istorikong materyalismo at tunggalian ng uri.