Thursday, October 20, 2005
Para Kanino ang Panlipunang Pananaliksik?
Walang ibang dapat pag-alayan ang isang panlipuanang pananaliksik kundi sa sambayanang Pilipino, sa komunidad o sektor na pinagdausan ng tesis sa partikular. Hindi ito dapat para sa simpleng pang-akademikong pag-unlad ng isang dalubhasa sa lipunan. Sa konteksto ng kurso ko, hindi lang ito para sa pagkamit ng gawad best thesis sa araw ng pagtatapos. Ang masa ng bayan ang siyang pangunahing makinabang sa mga pagsasaliksik na malilikha lalo’t higit ng mga Iskolar ng Bayan. Hindi ito dapat para sa higit na paglikom ng tubo para sa isang korporasyon, kung saan aaralin ang viability ng isang relocation site subalit tutubuan nang doble ng mga kontraktor ang mga mahihirap na dinemolish mula sa isang pook iskwater. Hindi dapat pag-aralan ng mananaliksik kung papaano nito higit na papahirapan ang komunidad na kanyang pag-aaralan. Hindi rin ito dapat magbigay nang rekomendasyon na hindi mag-eempower sa komunidad na kumilos at labanan ang mga kontradiksiyon ng kanilang kalagayan, katulad ng mungkahi ng kaklase ko sa DevStud na kung may pera lamang siya, bibigyan na lang niya ng pera ang mga katutubo ng Cordillera.
Hindi dapat ginagawang busabos o pulubi ang masang pinagkukuhanan ng mga datos. Maling-mali siya doon sa rekomendasyon na iyon na tila wala siyang teoretikal at konseptwal na natutunan ukol sa kahirapan ng mga batayang sektor ng bansa. Ang motibo ba dapat ng pananaliksik ay nakasentro sa pagkamit ng mga gawad at parangal sa mga sinaliksik na datos? Hindi rin sapagkat kung ganoon, tila mga daga at guinea pig lamang ang masa sa paningin ng researcher. Kailangang tandaan lagi na ang social research ay kaiba sa scientific research. Mga tao ang mga variables sa isang social research na may matinding etikal na konsiderasyon hindi tulad ng paggamit ng daga bilang variable na kung magkamali man o hindi man bigyang pagpapahalaga, ayos na, kasi pwedeng pwede naming palitan, mura lang naman. Sa kadulu-duluhan, walang saysay ang anumang panlipunang pananaliksik kung nakatago lamang ito sa cabinet ng DSS o kaya naman gagamiting panlinlang ng estado at ng mga korporasyon upang pagsamantalahan ang masa.
Kaya napakahalagang ang panlipunang pananaliksik ay isang ring aktibong proseso na nagbibigkis ng sector at komunidad, upang higit na maipagtagumpay nila ang kanilang mga interes at pangangailangan.