Thursday, October 20, 2005
Pag-aralan Natin ang Simbahan, ang mga Heswita sa Partikular
Dahil wala pa rin akong topic, naisip ko noong isang araw na pag-aralan yung kayamanan ng Simbahan, lalo na ang orden na Kapisanan ni Hesus, o higit na kilala sa tawag na Jesuits o Heswita. Malapit kasi sa puso ang orden na ito. Aba’y napakarami ng mga naging kaibigan kong pari at brother diyan nung nasa Ateneo pa ako! Naturuan ata ako ng maayos na Ingles diyan e. Ganunpaman, gusto ko rin kasi pag-aralan kung saan nakukuha ng Jesuits yung pera para sa maintenance at operations ng lahat ng aspeto ng pastoral work nila, bukod sa kita galing sa mga eksklusibong paaralan nito. Nabanggit kasi sa akin ng paring kilala ko na nagiinvest din sa stock market ang orden, o kaya naman binubuksan din ang mga paaralan nito para sa investments, katulad sa Ateneo de Manila kung saan si Manny Pangilinan na ng PLDT ang Chairperson ng Board of Trustees nito.
Maganda rin kasing makita kung sang mga korporasyon napupunta ang corporate investments nito, dahil may matinding etikal na konsiderasyon dapat ang orden kung saan iiimbak ang yaman nito. Gusto ko ring makita kung grossly overpriced ang edukasyon sa mga eskuwelahan nito, partikular sa flagship university nito na Ateneo de Manila. Naaalala ko kasi noong nasa High School ako na kung anu-anong fee ang kinokolekta mula sa mga estudyante tulad ng development fee na hindi naman mapapakinabangan sa kasalukuyan ng mga estudyante na pampatayo ng mga bagong building.
Kailangan ko pang kinisin ito. Medyo Malabo pa kung ano yung gusto kong pag-aralan.