Thursday, October 20, 2005
May Topic na Ako!
Sa wakas, na-approve na yung topic ko pagkatapos kong magbigay ng sampung thesis proposals na iba-iba yung scope. Medyo naiintinidhan ko na kung bakit sinasabi ni Ser na over-researched na yung ibang mga topics pero sa tingin ko pa rin kaya naming angguluhan ng maganda yung mga passé nang topics. Rationalization ng government employees yung topic ko. Hindi gaanong adventurous katulad ng dati kong mga nabanggit na topics sa journal na ito pero ok na rin. Kung matatandaan, nabanggit ko na ang topic na ito sa mga nagdaang journal entry. Tama, kinuha ko yung topic ng kaibigan ko sa Ateneo, tutal ayaw na rin naman siyang payagan ng titser niya, sinabi kong ako na lang ang gagawa ng pag-aaral dito.
Bagamat gusto ko talaga sanang community immersion din ang thesis ko, tulad ng mga thesis ukol sa urban poor at pesante, kung saan kailangan talagang tumira sa komunidad nang ilang araw kahit papaano, ok na ito dahil kakain ng malaking oras ang pagstay-in sa mga komunidad lalo na’t nasa national office ako ng NUSP. Pinagbabalanse ko kasi ang iba ko pang mga gawain sa school tulad ng sa frat ko at gawain akademiko. Excited na rin ako sa topic ko lalo matindi ang naka-ambang tanggalan sa trabaho ng rehimeng ito. Bukod pa rito ang banggit ng pamahalaan na wala silang perang pambayad sa full retirement benefits ng mga tatanggaling empleyado ng gobyerno. Hindi totoong walang pera ang gobyerno. Sa bayad-utang lamang kasi ito napupunta. Ito ang gusto kong pag-aralan. Pagkatapos nilang maglingkod sa pamahalaan nang matagal, hindi rin pala sila babayaran ng dapat nilang matanggap mula rito. Mayroong pera ang gobyerno, pero hindi para sa kanilang naglilingkod dito.