Thursday, October 20, 2005
Ikaw na Aktbista, Hindi Sapat ang Propaganda
Sa pagtitiyaga kong hindi mainip sa nakakainip na paksa ng pagbuo ng research proposal naisip ko na tunay ngang hindi sapat ang propaganda lamang. Kailangang may laman ang sinasabi mo, may pinanggagalingan. Hindi sapat na dumaan ka sa kursong masa ng kilusan para sabihing mong alam mo na ang lahat, kung paano ipaliliwanag ang lipunan at kung papaano babaguhin ito. Sa research proposal na bahagi ng klaseng ito natukoy ang kahaalagahan ng disiplina sa pagkuha ng datos at pagbuo ng pag-aaral. Naisip ko tuloy ang Ibon Foundation. Pultaym silang gumagawa ng mga lathalain ukol sa lipunan at tiyak gumagamit sila ng ganitong gma metodo sa kanilang mga research. Nakausap ko nga noon si Antonio Tujan ng Ibon. Tinanong ko siya kung ND leaning ba ang IBON lalo’t higit gumagamit ang mga researchers ng mga tipikal na ND jargon katulad ng burukrata-kapitalismo at iba pa.
Ang banggit niya, ang mga jargon na ito ay sinasabi hindi dahil kailangang magpropaganda kundi ito ang siyang hinihingi ng pag-aaral na banggitin, dahil iyon mismo ang phenomenon na nagaganap sa lipunan. Sa madaling sabi, ang research ay hindi simpleng propaganda na saulado ng mga aktibista ang pag-aaral ng mga kondisyon at pagsusuri. Ang research ay walang awtomatikong sagot sa mga bagay-bagay. Kung ganoon na rin lang, hindi na kailangang daanan ang mabusising pagbuo ng research design at proposal at ang buong sistematikong paraan ng pagkalap ng mga datos at masinsinang pagsusuri. Ang social research nga ang scientific na verification kung tunay na umiiral pa ang mga kundisyong panlipunang sinasabi ng kilusan at kung makabuluhan pa ba ang paraan ng pagkilos ayon sa mga kondisyon. Ito kasi yung pinakasakit ng kabataang aktibista ngayon.
Parang ayaw na nilang dumaan sa sistematikong pag-aaral ng mga bagay-bagay, na tipong sapat nang nai-spoonfeed na sa kanila ang mga ideya ni Marx, Lenin at Mao at Joma, sapat na. Na parang wala nang kailangang malaman pang iba. Ito ay maling pag-iisip at anti-Marxistang gawi, dahil hindi Bibliya ang ideolohikal na gabay at hindi Diyos at propeta ang mga ideologue ng kilusan.
Sa research nagkakaalaman kung sino ang may tangan ng katotohanan o kung sino ang maingay na nagpropropaganda lamang.