Thursday, October 20, 2005
Economic Development sa mga Sona at Larangang Gerilya Dulot ng Rebolusyunaryong Agraryo
Ito talaga yung tipo kong paksa para sa ilang buwan ng pananaliksik para sa tesis. Medyo nakakakaba nga lang dahil alam kong delikado talaga sa mga lugar na iyon bunsod ng matinding militarisasyon sa kanayunan. Nagtanong ako sa mga kasama kung saang erya kaya mayroong ganito na matagal nang may umiiral na gobyernong bayan at nakapaglatag na ng minimum na programa ng rebolusyunaryong agraryo. Sa mga bahagi raw ng Bikol mangilan-ngilan na. Naibaba na raw nang malaki ang renta sa lupa, nabuwag na ang usura at hindi na ganoon kataas ang tubo ng mga komersyante sa mga gamit-pamproduksiyon katulad ng abono at fertilizer. Sa iba naman daw, naipamahagi na ng mga kasama ang lupa sa mga magsasaka. Ito yung gusto kong pag-aralan.
Kung tunay ngang bumuti ang kalagayan ng mga pamilyang magsasaka sa mga lugar na ito o kung tulad lang ng sinabi ni Propesor Simbulan na kaya rin umuunlad dahil sa low-intensity measures ng estado sa mga lugar na ito, tulad ng farm-to-market roads, bilang bahagi ng kampanyang anti-insurhensiya subalit hindi naman talaga para sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng mamamayan ang esensiya. Ngayon, lalo tuloy kumitid yung mg erya na puwede ko pang piliing pag-aralan. Kailangan ko ngayong pumili ng sonang gerilyang matagal nang tinayuan ng gobyernong bayan at hindi tinagos ng counter-insurgency community measures ng gobyerno para controlled yung variables na gagamitin ko sa pag-aaral. Nakausap ko si Propesor Gomez ng Economics, na dating gerilya noong panahon ng Martial Law, impraktikal yung thesis ko dahil sa pagkakaalam niya, walang erya na matagal nang may gobyernong bayan dahil laging dinudurog ang mga ito ng militar.
Nalungkot naman ako. Nakakuwentuhan ko rin si Ser Ed nung isang beses at sinabi ko sa kanya yung topic ko. Nagustuhan naman niya, lalo na raw kung gusto ko ng adventure. Natuwa ako pero ganunpaman, kung iilan lang yung mga eryang ganoon mukhang mahihirapan ata ako sa pananaliksik, lalo na kung sa dulo ng isla ng Luzon pa ang mga ito, mga tipong Sorsogon! Paano na? Buti sana kung pultaym na researcher ako para sa Ibon, kakayanin, o kung nasa masteral level na ako, tulad ng ginawa ni Ser Abe Padilla sa masteral thesis niya sa parehong topic. Nagulat na lang ako nang sinabi ni Prof Simbulan na dalawang taon pala sa erya si Prof Padilla nang sinulat niya yung tesis niya. Ako nga yung plano ko lang na panahon ng pananaliksik ay sa sembreak at sa bakasyon ng Pasko. Naunawaan ko rin yung sinabi ni Prof Simunbulan na baka hindi magkasya ang pananaliksik sa ganito kasensitibong paksa sa loob ng napaka-igsing panahon.
Bukod pa, baka hindi na ako bumalik o kaya hindi na ako makabalik! Magkaibang bagay ang mga ito. Una, baka matuloy na ako sa pagsapi sa hukbong bayan nang wala sa panahon. Pangalawa, baka isipin ng militar na ako yung bagong rekrut ng hukbo galling Maynila at pagdiskitahan ako o kaya baka sa panahon ng pagsasaliksik ko sa baryo magaganap ang pagsosona ng militar. Wala akong takas nun.
Kaya hindi ko na pinilit. Mahirap na. Nag-isip na lang ako ng ibang topic.