Thursday, October 20, 2005

Ang Balintuna ng UP-PGH

Matagal nang angal ng pamilya ko yang UP Med na iyan. Pamilya kasi kami ng duktor at alam namin kung gaano kagagaling ang mga duktor na napproduce ng UP-PGH. Pero alam din namin iilan lang ang natitira dito sa Pilipinas para maglingkod sa kapwa Pilipino. Kung nandito man sila, wala sila tiyak sa mga public hospitals kundi nandun sa St. Lukes, Asian Hospital, Medical City – gumagamot ng mayayamang pasyente. Ayaw ko rin naman lahatin dahil may mga duktor na nagcclinic sa Manila Doctors pero nagsisilbi rin sa PGH, nagtuturo o nagppractice. Yung punto ko rito, lugi talaga ang mamamayan sa pagpopondo nila sa mga ito dahil hindi naman talag naibabalik sa kanila nang maayos ginagastos sa pag-papaaral sa mga ito. Bukod pa rito and walang kamatayang akusasyong ng palakasan sa pagpasok sa PGH.

Kapag anak ka ng Diyos, o yung mga anak ng mga consultants at alumni, ngumiti ka na dahil sigurado matutulungan ka sa pagpasok. Papaano naman yung mga mahihirap na estudyante na walang kakone-koneksiyon sa loob ng PGH? Kailangan pa ba nilang makakuha nang napakataas na grado para makapasok diyan? Talo na sila sa undergrad pa lang dahil wala naman silang pambili ng mga libro at umaasa lang sa library na luma pa yung mga edisyon. Yun punto ko rito, bahagi ng matinding brain drain sa mula sa PGH ay bunsod na rin ng elitistang kultura nito. Matinding irony ito dahil nasa gitna sila ng isang ospital na siyang pangunahing pangmasang ospital ng Pilipinas. Confirmed tuloy na guinea pig lang talaga ng mga career ng mga estudyante ng PGH ang masang kanilang ginagamot nila.

Ang institusyong pinamumugaran ng mga peti-bugoy at matataas na saray ng lipunan ay hindi talaga maaasahang gagawa ng paraan sa paglingap ng malalim na sugat ng lipunang Pilipino sa paraang pagsisilibi sa sektor pangkalusugan nito. Karera at Indibidwalistikong mga pangarap lamang ang mahalaga sa ganitong institusyon. Banggit nga ng kuya ko na intern ngayon sa PGH, nung nagcommunity med sila sa isang barangay sa Santo Tomas, Batangas, nagdala pa ang isang babaeng intern ng bodyguard! Kasi raw baka marape siya o makidnap! Langya, anong akala niya sa masa? Masasamang tao!? Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit iilan lang sa mga duktor dito ang pumipili na maging doctor to the barrios kahit sa loob lang ng isang taon dahil kahit nasa UP sila, hindi nila alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng Iskolar ng Bayan at mga panangutan nito sa sambayanan. Ang ganitong konserbatismo ay walang puwang para isang insitusyon na marapat na naglilingkod nang buong-buo sa mamamayan.

Sa ganitong kulturang pyudal na pami-pamilya at palakasan, huwag nang asahan na hindi aalis ang mga duktor ng PGH. Nakakahiya. Daig pa sila ng mga duktor galing sa Palo, Leyte. Buhay at kamatayang naglilingkod sa bayan.

Comments: Post a Comment

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home