Saturday, October 01, 2005
Alingawngaw ng mga Punglo: Isang Pagninilay
Ang sosyo-ekonomikong base ng pasismo ay ang mismong base ng kilusang pambansa-demokratiko – ang masa. Hindi ito katulad ng pasistang diktadura-militar sa Latina Amerika kung saan panggitnang saray ang malaking bilang ng kasundaluhan. Doon, lantarang instrumento ng burges na paghahari ang kasundaluhan upang maikonsolida ang hawak nito sa kapangyarihan ng estado-poder. Dito, ang pagsusundalo ay bunsod ng kawalan ng ibang larangang mapagkukuhanan ng pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang mahirap na pamilya.
Ito ang pinakamalungkot na anggulo ng patuloy na paghahasik ng lagim at pagyurak sa karapatang-pantao ng rehimeng ito at ng mga nakalipas pa. Ginagawang bala ang kapwa masa laban sa sarili niyang kauri upang maipagpatuloy lamang ang makadayuhang balangkas ng ekonomiya ng bansa at maipagpatuloy lamang ang lokal na paghahari ng iilang nakikinabang sa pawis at dugo ng sambayanan. Ang mga gumagawa ng tortyur at pagpaslang sa mga ligal na aktibista ng bayan ay mismong nagmula sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan sa isang malapyudal at malakolonyal na sistema. Lumilikha naman ang estado ng salik upang bigyang katuwiran ang ganitong pagpatay – kesyo mga kaaway ng estado, subersibo, komunista at ngayon, terorista na ang tanging balak gawin ay maghasik ng kaguluhan at agawin ang kapangyarihan.
Matatawag kaya silang pusakal na mga mersenaryo? Mersenaryo siguro, pero hindi pusakal na mersenaryo. Ang ganyang katawagan ay para lamang sa mga katulad ni Maj. Gen. Palparan na wala nang ginawa sa bawat probinsyang pagdestinuhan kundi patingkarin ang pagdurog sa mga ligal na organisasyon ng kilusan. Mersenaryo sila sapagkat kapwa nila masa ang kanilang pinagdurusa, para lamang sa kakarampot na sahod at butas na botas. Pero kung kapit ka nga naman sa patalim, paanong hindi mo gagawin ang utos ni Colonel na sunugin ang baryong pinagtataguan ng Hukbo?
Kung ang pangmatagalang pakikibaka para sa lupa, dagdag na sahod, pambansang industriyalisasyon, dekalidad na edukasyon, pabahay, trabaho at iba pa ay ituturing na kilos ng terorismo, higit na mabuti yatang pahirapan, apihin at paslangin kung para sa interes naman ng sambayanan ang pilit na sinusulong at ipinagwawagi. Tama lamang ang tiyempo ng pagpapalabas ng Alingawngaw. Ilang araw lang bago isulat ang sanaysay na ito, pinaslang ang lider-manggagawa ng Nestle Philippines, si Ka Fort Fortuna.
Lubhang nakakabahala ito sapagkat katatapos lamang ng paggunita ng deklarasyon ng Batas Militar ay mayroon nang ganitong pangyayari laban sa mga pwersang lumalaban sa rehimen. Higit pang nakakatakot sapagkat nakaamba ang mga pahayag ukol sa napipintong pagdeklara kuno ng kasalukuyang rehimen ng Batas Militar. Pero hindi ba hindi deklaradong Batas Militar ang nakapangyayari sa lipunang Pilipino ngayon? Nabuo ang Alingawngaw noong umpisa ng termino ni Gloria Arroyo. Apat na taon na ang nakalipas, limpak-limpak na ang kaso ng rehimeng ito ng paglabag ng karapatang pantao, kabilang dito ang pagpaslang, tortyur, pagsosona, pagsusunog ng mga baryo at iba pang krimen laban sa sambayanan.
Hanggang sa araw na ito, wala pa ring napaparusahan sa mga salarin ng mga paglabag na ito. Walang pinipili ang rehimen – media, aktibista, makabayang pulitiko. Hanggang ngayon, nakaupo pa rin sa Malakanyang ang isang pasista at huwad na pangulo. Huwag siyang mag-alala. Magtatagpo rin sila sa wakas ng Kasaysayan. Darating ang araw na mapapawi rin ang luha ng isang bayang api at masang pinagsamantalahan. Tiyak iyan. Lagi’t laging may daan patungo sa paglaya.