Sunday, July 17, 2005

Karupukan ng Katawan Dos

Nagsulat na ako noon ukol sa karupukan ng katawan ko. Ngayon, muli akong nadudurog at nalilimitahan sa pagkilos sa pinagsamang epekto ng pagod, puyat, sipon, ubo, allergy.

Pagkagising ko sa umaga, masakit ang likod ko, binti at paa. Marahil siguro sa palagiang paglalakad, mobilisasyon man ito o simpleng paglalakad-lakad lamang ng mga gawain. Ganunpaman, iniisip ko pa nga na baka may chronic fatigue na ako. Madalas pag gabi low-batt na ako sa halip na doon ako pinakaaktibo at malikhain, naisin ko na lamang humiga at matulog. Hindi ko na rin mawari kung may epekto nga ba ang sinasabing pampatibay ng katawang virgin coconut oil na lagi't laging pinipilit ng nanay ko na inumin ko.

Sa loob ng dalawang araw, yung isang ilong ko lang ata yung nakakahinga dahil barado ang isang butas. Pagkatapos kong kumain, hirap akong huminga, dahil daw sa katabaan sabi ng mahal ko, feeling ko nga. Yun bang tipong kailangan kong huminga ng npaakalalim upang abutin yung sa pakiramdam ko, optimal na paghinga kailangan ko, at madalas voluntary na paghinga ang mga ito.

Kailangan ko nang mag-exercise. Sabi nga ng mahal ko, bumalik na lang daw ako sa kanayunan para pumayat ako uli. Puwede rin, pero hindi ngayon, hindi sa gitna ng umaatikabong mga pangyayari sa kalunsuran na marapat na langkapan ng pangmalakasang kampanya ng kabataan at mga aping sektor ng lipunan.

Sa kabila ng lahat ng ito, malinaw naman na hindi ako dapat magpatali sa kahinaan ng katawan ko lalo't higit sa kritikal na puntong ito ng kasaysayan ng bayan. Subalit sisikapin na makapagwasto lalo't higit sa mga maling gawi sa pansariling kalusugan at hindi kinakailangang pagbabanat ng katawan sa puyatan na wala namang katuturan.


Comments:
teri, pahinga ka muna. matigas ulo ni GMA, hindi yan basta-basta magreresign.
 
hinay-hinay lang, hindi tayo makapaglilingkod sa sambayanang api nang buung-buo kung may sakit tayo.
 
brod,relax lang.mas madami kang magagawa kung in good health ka.rest if u must,but dont u quit.ian
 
Post a Comment

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home