Thursday, July 21, 2005
Alternatibong Programa
Naghahanap ang masa ngayon ng alternatibang programa.
Nasa plateau ngayon ang krisis pampulitika, stalemate baga.
Walang mga bagong pasabog ang oposisyon, wala pa ring Samuel Ong.
Nagka-women's march pala kahapon, pero wala yung pangmalakasang pagkilos ng iba-ibang mga puwersa tulad ng nakaraang mga linggo.
Dapat sana nagbuibuild-up na tayo para sa SONA. Patuloy na muscle-flexing at maliliit na mga pagkilos.
May Truth Commission eklat ang lola mo. La yun, ploy na naman ng rehimen yan para i-divert yung isyu ng impeachment. Sabi nga, siya yung lilitisin, siya rin yung pipili ng manglilitis. Kumusta naman yon!
Medyo nagegets ko na rin yung kagandahan ng impeachment sa gitna ng mga panawagan ng resignation at ouster. Magandang laruin talaga natin yung linya natin dito sa magiging bagong kaganapan. Naalala ko tuloy yung EDSA Dos. Hindi naman talaga natapos yung impeachment. Hindi rin talaga nagbitiw si Erap. Pinatalsik siya ng mamamayan.
Kung magpapatali lamang tayo kasi sa impeachment hindi natin mapapatalsik si GMA. Maganda rin ito upang humaba pa yung init ng krisis pampulitika na sa mga araw na ito ay parang nanlamig nang bahagya. Oportunidad din kasi ito upang patuloy na ilantad si Gloria at ang bulok na sistema at patingkarin ang panawagan ng kabataan at mamamayan lalo't higit ang alternatibong programa para sa demokratikong konseho ng bayan.
Magiging hilaw rin talaga ang plano ng oposisyon na manalo na sa SONA. Ano sila, excited? Sila lang makikinabang sa mga pinagpaguran natin kung ganoon at may katiyakan din naman na madudurog sila kung ipilit nila ang sarili nila sa pinakamadaling panahon.
Pero patuloy kong igigiit ang pantay na pagpapatingkad ng alternatibong programa ng kabataan at mamamayan kasabay pagpapatingkad ng ouster at resign calls. Ito ay sa kadahilanang hindi pa rin konkreto sa kaisipan ng masa ang duduluhin nito, sa panahong magpasiya silang muli magtaya ng oras at buhay para rito. Mahalaga ring maging napakaingat. Napakaraming beses nang nadurog ang puso ng masa sa mga pakikilaban inagaw ng oportunismo ng reaksiyonaryo. Bagamat mito ang people power fatigue, totoo na sa bawat panahong nabibigo ang masa sa pakikibaka, palagiang magkakaroon ng paghupa o ebb sa pagpapabilis ng rebolusyon. At hindi natin kailangan ang ganitong paghupa sa pakikibaka. Bagamat ekonomiko ang mapagpasiya ng pagaangat ng antas ng pakikibaka ng masa, matindi rin ang hataw ng kulturang mapagpalimot na nakaugat din naman sa ekonomikong tunggalian.
Hindi magpapakamatay at tataya ang masa sa pakikibaka batay lamang sa pagkagalit nila kay GMA, kahit sobrang gutom na sila. Pababayaan na lang siguro nila tayo at mga abanteng hanay ng masa na siyang pumasan ng laban para sa kanila. Ipagpapatuloy na lang niyang magbenta ng cellphone casing sa padre faura, papasok na lang siya araw-araw sa pabrika ng silicon chips o kaya magtatanim na lang siya ng kamote sa masbate, at panoorin tayo sa tv patrol sa gabi. Gusto niyang magresign si gloria dahil diyan sa VAT at pagtaas ng pamasahe. Pero baka hindi siya sumama sa pagkilos.
Ayaw niya rin kasi kay Noli. Lalo naman kay Drilon na oportunistang sagad-sagaran. Kaya galit man siya kay Gloria, parang wala rin siyang magawa. Alam din niyang sistema ang siyang problema, pero ano ang ipapalit dito? Ayaw naman niyang military junta, o baka pwede, kung wala na talaga, kailangan din kasi ang militar para patalsikin si pandak e. Naku parang wala. Kung kay Gloria, wala rin. Ganoong pa rin, iiyak pa rin ang masang api.
Dahil hindi rin malinaw sa kanya ang demokratikong konseho ng bayan. Anong malay niya diyan. People's Democratic Council? Naku parang People's Republic of China. Baka gawin kaming Maling ng mga yan. Yan pa naman yung sinasabi ni Satur Ocampo, e diba NPA yun dati?
Paano natin ngayon ipapaliwanag sa masa ang hakbang patungo sa demokratikong konseho ng bayan mula sa krisis pampultika ngayon? Paano natin lalaruin itong impeachment habang patuloy na nananawagan ng ouster na dudulo sa demokratikong konseho ng bayan? Papaano natin iibsan ang pangamba ng masa na baka sina Erap lang yung kasama natin dito? Sinu-sino naman yang mga sektoral na mga representateng yan, hindi nga namin kilala yan? Pano yun, wala nang Kongreso? Baka anarkiya lang ang dulo niyan, gulo lang? Konstitusyunal ba yan?
Ano ang alternatibong programa? 12point program ba ang gagamitin?
Tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon ba ang isusulong?
Dagdag badyet ba para sa edukasyon at titigil ba ang pagtaas ng matrikula?
Ibabasura ba ang Mining Act? Isasabansa ba ang mga vital na industriya?
May debt repudiation ba? Aalis ba sa GATT-WTO? Tanggal na ba ang VAT?
Magkakaceiling na ba ang presyo ng langis at bababa na ba ang presyo ng bilihin at pasahe?
Popondohan na ba natin ang agrikultura ngayon?
May incentives ba ang local SMEs kaysa mga dayuhang kumpanya?
Tataas na ba sa wakas ang sahod ng manggagawa? Magkakabahay at magkakatrabaho na ba ang maralitang tagalungsod?
Tataas na ba ang sweldo ng manggagawa sa pamahalaan ng 3000?
Lilikha ba ng trabaho ang demokratikong konsehong bayan para hindi na kailangang umalis ng mga OFW?
Maraming mga tanong ang inihapag dito ukol sa mga solusyon na tayo at ang masa rin naman ang bumuo. Ang mga ito sana ang bahagi ng alternatibong programa ng konseho ng bayan at magkaroon din dapat ang kabataang estudyante ng sarili nitong listahan ng programa para sa edukasyon at kabataan.
Kung mabuo at mailatag lamang nang maayos ito ng kilusan sa pambansa at sektoral na saklaw, makatitiyak ako na kasabay ng pagpanawagan ng pagpapatalsik kay gloria, tuluy-tuloy na aani ng suporta at kasapi ang ating hanay.
Ito ang hinihintay ng marami sa panggitna at nahuhuling masang hindi pa lumalahok sa mga pagkilos. Hindi sila makakilos dahil hindi pa konkreto sa isip at puso nila ang kawastuhan ng sistema, kinabukasan at lipunang nais nating buuin. Pundamental na gawain ito.
Hindi sila magpapakamatay dahil galit sila kay gloria. Magtataya ang masa ng buhay niyang lugmok sa pagkabigo at hinagpis dahil malinaw sa isip at puso niya ang katumpakan ng isang sistema at programang magpapalaya sa kanya mula sa krus ng kahirapan. Para rito siya mag-aalay ng buhay at kamatayang pagtataya sa pakikibaka. Para sa hindi matuyuang bukal ng pag-asa ng panlipunang katarungan at tunay na demokrasya.
Isipin niyo na lang ang hukbo. Nagtatangan sila ng armas hindi lang dahil hungkag ang malapyudal at malakolonyal na sistema. Higit pa, dahil sila, kasama ng masa, ang magpapanday mula ngayon hanggang sa ganap na tagumpay ng isang lipunang mapagpalaya at tunay na payapa.
Kaya bilisan na natin ang pagpapalawak ng alternatibang programa. Kay tagal nang hinintay iyan ng masa.

Comments:
Tulad ng panimula mo, may mga bahagi ng peti-burgesya na nagtatanong din sa akin kung sino ba raw ang ipapalit. Sino o ano na nga ba? Isa bang transisyunal na kolektib? Sa kabila ng pagiging progresibo ay hindi ako lubusang maalam sa mga alternatibo.
Andami nang inihaing alternatibong programa ngunit ano nga ba ang pinaka-epektibo sa mga ito? Kailangan ng mamamayan ang masinsinang obserbasyon paukol dito upang maintindihan ang mga bagay-bagay na nagpapagulo sa isipan.
Nangangayayat na ang kamalayan ko. Tulong. :P
Post a Comment