Tuesday, May 10, 2005
Summer Travels: Med Mission
Ako ay gagged sa araw na ito ng med mission. Napagkaisahan noong consol ng brods na magiging bahagi na ng med missions ang masinsinang ed ukol sa health sit ng bansa upang ilagay sa konteksto sa masa ang dahilan ng walang humpay na pagoorganisa at pagmulat sa masa ng kilusan. Na kaya may med mission ay dahil atrasado ang sistema ng kalusugan sa bansa dahil binabarat ng estado ang badyet para sa batayang serbisyo. Sayang naman kasi kung palalampasin ko ang pagkakataon lalot higit masa sa kanayunan ng real quezon ang siyang kaharap namin. Para anupang sumumpa kaming paglilingkuran ang sambayanan kung doleout medmission lang ang mangyayari. Rhetorics lang daw ang nilalaman ng papel ng head ukol sa health sit. Datos ang siyang laman ng papel na nagmula mismo sa estado. Kung paso na ang brod na ito sa simpleng datos pa lang pano na kung may interpretasyon na sa balangkas ng pambansa-demokratikong kilusan? Baka maiyak na lang siya nang di oras. Buti na lang nung binasa ng residenteng brods positibo ang tugon nila.
Pagdating sa real nagulat ako sa dami ng taong dumating para sa medmission. 400 mahigit katao na nakapila buong umaga sa amin. Nahimasmasan din ako sa isang sinabi ng brod ko- na salimpusa lang talaga ang frat sa proyektong ito. Oxfam talaga ang may hawak nito. Isang british ngo na may funding mula sa eu. Ang buong proyekto ay para sa earth day. Bahagi lang ang medmission. Concert talaga ang main event at doleout ng mga relief goods. Typical na ngo. Advocacy for advocacys sake. Kung pagpilitan ko ang health sit baka makatunggali pa namin yung oxfam. Buti sana kung aming amin yung project. Pinabayaan ko nalang. Subalit nainis ako sa ngo na ito. Hindi nila hinaharap ang tunay na isyu ng pagguho ng lupa sa quezon. Hindi ito simpleng usapin ng paglingap ng kalikasan. Tunggalian ito sa pagitan ng masa ng real at ng malalaking konsesyon ng pagkakahoy na malimit pml din ng malalawak na niyugan sa buong quezon. Matindi ang sala ng estado sapagkat sila ang nagpamahagi ng mga kontrata sa mga korporasyon. llang lupa dito ay bahagi ng lupaing ninuno ng mga katutubong dumagat at agta. Hilaw na pagasa ang dulot ng oxfam sa masa ng real. Pagtapos ng munti nilang pagpapasaya sa masa ano na? Pinaasa lang nila ang masa sa wala. Magagamot ba ang pamamaga ng bisig ng matandang magsasaka ng ilang piraso ng antibiotics na pangilang araw lang? Mahihilom ba ng matamis na kanta ni noel cabangon ang puso ng isang inang humihingi ng katarungan sa pagkamatay ng mga anak sa pagguho ng lupa? Hindi rin naman. Habang nananatili ang kasalukuyang sistema walang katarungang maasahan ang masa. At ang mga ngo na tulad ng oxfam ay nagsisilbi lang para pahingahin ang tumitinding kontradiksyon sa kanayunan. Bagkus protektahan ang umiiral na sistemang nangaapi at nagsasamantala, tukoy man nila ito o hindi. Umuwi akong hati ang puso. Masaya dahil napaglingkuran ang masa. Inis dahil hindi natumbok talaga dapat layunin ng araw na ito. Puno ng pagasa dahil alam kong naroon lamang sa palibot ng quezon ang hukbong balangaraw magpapalaya sa sambayanang api.

Comments:
bawat NGO ay may sari-sariling goals.nataun lamang na ang oxfam ay natuun sa emergency reaction focused on health just like doctor's w/o borders.
na dapat mo rin nirerespeto,as much ng pag respeto nito sa grupo mo.

may tamang lugar pra magdiskurso ukol sa national health sit ng bansa at merun ding tamamg lugar at oras pra pag usapan ang "ordinaryong" health isyus katulad ng handwashing,etc...
tol,nagiging ekslusibo ndin ang iyong paningin.
stop for a while,close your eyes and see where/what u are right now.
kung iniisip mo na malawak na ang paningin mo dahil sa sa mga diskurso at field work mo,bka nagkakamali ka.tipong its your way and nothing else ang drama mo e.kung yun nga yun,myopic ka.
Post a Comment