Tuesday, May 10, 2005
Summer Travels: Atrasadong Masa ng Kanayunan
kakaiba ang araw na ito. Hindi na lamang kaming tatlo ang lumarga. Sinama namin si wate at jeff-mga anak ng magsasaka. Pumunta kami ngayong araw sa daniw, isa sa mga pinakamahirap na baryo sa buong victoria. Nakakapanghina ang lugar na ito. Napakaliit ng lupang sakahan na pag-aari ng iilan at pinagtitiyagaang tamnan, anihin at gapasin ng napakaraming manggagawang bukid. Kaunti lang ang kasama, at wala ring silbi sapagkat himod-tumbong sa pml at gumaganap pang katiwala ng pml sa pagsingil sa manggagawang bukid ng hulugan sa loteng kinatitirikan ng mga bahay nila. Subalit ang pinakanakapanlulumo ay iyong pagkaatrasado ng lahat ng aspeto ng kanilang komunidad- sa pulitika, ekonomiya, kultura at mismong sa kaisipan sa sariling pagpapahalaga na tila repleksiyon ng kay tagal na panahong pambubusabos, kawalan ng pag-asa at pagkatali sa lupa. Kung sa san felix apoy ng pag-asa at pakikibaka ang nabakas namin sa mata ng aping magsasaka, mga mata, puso at isip na nakapinid ang sumambulat sa amin.
Comments:
Malaki po talaga ang problema ng ating sambayanan. Nararamdaman ko po na sa inyong konsyensya ang pagkundina sa kanilang kalagayan. Nais ko lang pong ipaalala na hindi lang po dahil lang sa paglupig ng mga maimpluwensyang mga grupo kaya po ito nangyayari. Hindi lamang ito ganun kasimple dahil minsan masasabi ring nangyayari ang pagkaatrasado dahil narin sa kagustohan ng kinikilala po ninyong inaapi.
Post a Comment