Tuesday, March 29, 2005

Para Sa Iyo, Kasamang Peti-Burges

kasama,

darating ang araw na mauunawaan mo kung bakit pinili ang ganitong buhay na mapanganib, kung bakit nakikibaka para sa uring hindi naman talaga akin, kung bakit nangangahas makipaglaban para sa uring daang salinlahi nang inalipusta at pinagsamantalahan, kung bakit naniniwala pa rin sa dalisay na simulain at adhikain ng pambansa-demokratikong kilusan.

payak lang naman ang kasagutan kasama.

sa panahon ng walang humpay na pagdarahop ng sambayanan, walang dahilan upang hindi kumilos at lumaban; lalo ang kabataang siyang inaasahang tagapagpanday ng kinabukasan ng bayan; lalo ang iskolar ng bayan na kinapapapalooban ng koletibong mga pangarap, adhikain at pangarap ng sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan para sa isang lipunang mapagpalaya, makatarungan at mapayapa.

walang dahilang hindi kumilos lalo't higit kung para sa pagpapalaya ng masa mula sa krus ng kanilang kahirapan.

Comments:
brod, nabasa ko sa blog ni king yung usapan niyo kaya rin ako napadpad dito. konting komento lang...kung iniisip mong hindi namin maintindihan ang ginagawa mo, sana'y maintindihan mo rin na hindi mo rin maintindihan ang mga ginagawa namin. nararapat bang palagi na lang natin lagyan ng mga kakaibang konotasyon ang lahat ng bagay na ginagawa ng mga tao? is there a need to typecast people as bourgeois, or masa based solely on the lifestyle? minsan, hindi ba mas mainam na tingnan ang mga ginagawa natin sa mas simpleng pagtingin? masaya ka sa ginagawa mo. masaya kami para sayo. masaya rin kami sa ginagawa namin. masaya ka ba para sa amin?
 
mabuting gawing higit na simple ang mga bagay kung nag-uusap lang tayo ng barkadahan at simpleng buhay na walang problema.

kaya lang batayang aralin sa polsci ang pag-iral ng tunggalian ng mga interes, higit pa ang tunggalian ng uri. ito kasi ang paraan ng pagsusuri ng uri(class analysis).

hindi ko naman kayo kinakahon sa konsepto, sapagkat hindi naman tayo bahagi ng pinakamataas na saray ng burgesya na siyang nang-aapi at nagsasamantala.

kaya ako nalulungkot sapagkat may pagkukulang ako sa paraan ng pag-abot sa inyo ng mga bagay na pinahahalagahan ko. ikaw na rin naman kasi ang nagsabi noong umpisang-umpisa pa lang na magkasama tayo sa pagsuong ko sa buhay na ito.

sa hula pa lang ni josie, nakita mo na at ikaw ang siyang masugid na tagasuporta.

hindi ko kayo sinisisi, sapagkat hindi naman pare-pareho ang prosesong pinagdaraanan ng bawat tao sa pagtuklas ng mga bagay-bagay, o dili kaya ang paraan ng pagbibigay katuturan sa pag-iral.

masaya ako sa ginagawa ninyo sapagkat higit na lalong napahihigpit ang pagkakapanday ng pagkakaibigan. pero sana sa panahong makiusap akong kumilos tayo at tumindig para sa anuman pakikibaka, sana nakahanda kayong sumuporta at lumaban sa anumang paraang makakayanan.

gusto ko rin naman kasi na kasama kayo sa landas ng pagbabago ng lipunan, gaano man kaliit, o kasimple ang ambag natin para dito.

tayo kasi, ipagpaumanhin kung babalik sa class analysis, bilang peti-burges ang tanging maaasahang kaalyado ng batayang masa ng magsasaka at manggagawa sa pagtugis nila sa mailap nilang tadhana ng paglaya.

tayo - estudyante, intelektwal at propesyunal, ang mga katuwang ng masa sa rebolusyon.
 
Teri, I may never understand the dynamics underneath your decisions.

It is possible that recent developments may have built imaginary walls between our political identities.

We may have disagreements on matters of policy, but I'll always welcome feedback from you on how we're doing at the USC.

And this post is not for political show. ;-)
 
dude, you have a blog na pala! didn't know, anyways, i added you to my blogroll links if you don't mind, add me na rin to yours! till we next dreink bro! peace!
 
hold on, i think i got it wrong, you're not pala Terry, as in barkada ko! im guessing you're James, his bro?
 
Post a Comment

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home