Tuesday, March 22, 2005
Bakit Tayo Natalo?
Pasensiya kung mahaba, malabo at mapanghimasok.
Pundamental sa mga kasama ang prinsipyong kongkretong pagsusuri sa konkretong kalagayan. Natalo tayo sa eleksiyong ito sapagkat nagkulang tayo sa malalim na pagsusuri sa obhetong kalagayan ng UP Manila sa taong ito. Bagamat lumaki ang hanay ng mga aktibista natin lalo mula sa first year, dumausdos ang pagkilos ng USC na hawak natin ngayong taon. Walang mga proyektong tumatak sa isipan ng mga Iskolar ng Bayan liban sa mga maliliit na mobilisasyon na karamihan ay bitbit lamang ang mga abanteng estudyante ng CAS, hindi pa kasama ang anim na iba pang mga kolehiyo. Naging matunog ang USC sa pagsusulong ng UP Widem II at pagkritik sa panukalang batas na katulad ng SB2587 subalit hindi naging sapat ito upang makonsolida ng mga kasama ang mga panggitnang estudyante sa pamantasan. Nagkaroon ng mga konsultasyon, oo, pero hindi pa rin ito sapat, lalo’t higit sa pagpopropa nito sa mga estudyante. Babagsak tuloy ito bilang simpleng sloganeering lamang. Dagdag pa, ang talagang kumilos lamang sa alyansa sa loob ng konseho ay ang mga kasamang bahagi talaga ng mga mass orgs natin. Hindi naramdaman ang ibang nanalo noon isang taon. Sa usapin ng pagtakbo ng walang kalaban, higit na matindi ang pagtatayang kinakailangan ng mga nanalo sapagkat napakalaki ng kailangang patunayan ng mga ito kung bakit hindi sila dapat natalo sa abstain. Hindi ito nagawa. Sa konseho, hindi sapat na gumawa lamang ng mga kampanya laban sa mga isyung hindi maka-estudyante, bahagi ng dynamics ng konseho ang pagkakaroon ng mga malalakin at maliliit na proyektong mararamdaman ng estudyante sapagkat ito ang come-on ng konseho sa mga estudyante na makilahok sa higit na militanteng pagkilos paglaon. Ang konseho kasi ay hindi katulad ng mga mass org. Ito ang demokratikong sentro sa mga pamantasan na may kakayahang maghamig ng panggitna at mga atrasadong estudyante upang kumilos at makibaka laban sa badyet cut at UP charter. Hindi rin maaasahan ang alyansa na siyang gagawa nito sapagkat wala namang mandato ang alyansa na maghimok sa mga estudyanteng kumilos. Kaya ganito na lamang ang kahalagahan ng papel ng Konseho. Nakaapekto nang bahagya ang mga relatibong matagumpay na proyekto ng CAS-SC at Med Council ngayong taon na siyang pinagmumulan ng malaking porsyento ng mga lider ng kabilang partido. Tulad ng sabi ko sa ibang mga kasama, sa panahong hindi malaki ang mass base, at may porsyento ng mga estudyante na atrasado at hindi natin napupulitikahan, napakalaking bagay ng mga proyekto. Bukod pa rito ang pagkapaso ng mga estudyante sa dalawang taon ng konseho na hindi naramdaman. Hindi maaasahang dumalo ang estudyante na sumama sa higit na mataas na antas ng pagkilos kung hindi nga natin sila mapadalo sa mga maliliit na pagkilos, tulad ng simpleng konsultasyon ng charter na kinailangan pang humatak ng mga klase ng mga kaalyadong guro. Mabuti at nakikilaban tayo sa Senado at sa Mendiola subalit kung bahagyang nakalilimutan naman natin ang masang estudyante sa anumang antas man ng kamulatan nito, wala rin tayong patutunguhan. Subalit sinasaluduhan ko ang mga mass orgs natin na talagang nagtatrabaho sa buong taon upang magpropa at talagang pamunuan ang alyansa. Bilang tagamasid ng alyansa mula sa labas, kailangan kong amining maraming kailangang irepaso, hindi sa linyang pulitikal kundi sa estilo ng paggawa. Mahusay na ang alyansang ang may pinakamalaking bilang ng member orgs subalit hindi naman sapat na marami lang tayo kung hindi rin naman natin makonsolida ang mga LTO na nakapaloob dito. Hindi dapat napapaso ang mga estudyante sa alyansa at sa konsehong pinamunuan natin kung tinitiyak ng alyansa na kumikilos ang mga tao nito sa konseho. Alam kong may sariling demcen ang mga ito bukod sa alyansa na madalas pyudal pa ang relasyon, kaya tila mahirap manghimasok subalit sa oras na tumakbo sila sa konseho at nanalo, ang pananagutan nila ay hindi na sa sarili, sa simpleng brod, sis o alyansa kundi sa malawak na hanay ng Iskolar ng Bayan na bumoto sa kanila, na siyang dapat nating inoorganisa at minumulat. Napapaso sila sa alyansa dahil sa kakulangan ng pagkilos ng mga kaalyado natin. Napakalaking dagok nito sa pagpropropaganda natin, lalo’t higit sa buong larga ng pambansa-demokratikong kilusan. Nagagasgas tuloy pati ang mga dalisay na pagkilos ng mga kasama at nagiging mga simpleng mga taong rali lang nang rali, ingay lang nang ingay at nakalilimutan ang masang estudyanteng dapat nilang sinasama sa mga pagkilos nila. Malaking pagpuna ang kinakailangan sa mga kaalyado natin dahil dito. Hindi ito simpleng frat or sorority glory lang kaya tayo nagpapatakbo sa konseho, kundi para mapalawak ang pagoorganisa at pagpapakilos sa balangkas ng pambansa-demokratikong linya. Pagpuna rin sa atin dahil may kakulangan ang komiteng siyang dapat namamahala sa pagkokonsolida ng mga miyembrong org. Hindi rin tayo dapat nagkakasya sa pagpapatakbo ng mga tao dahil wala nang ibang makuhang kandidato mula sa mga member orgs. May pinatakbo tayong hindi naman talaga kumilos sa lokal na konseho at pinatakbo pa sa mataas na posisyon. Ganoon din ang nangyari noong isang taon. Kilatisin dapat ng mga kasama kung sino ang talagang kikilos at kung sino ang pinatatakbo lang dahil wala nang ibang mapapatakbo dahil ang bawat pagkukulang at kawalan ng pagkilos ng mga alyado ay mayroong malaking epekto sa pagkilos natin. Wala dapat kompromiso. Maling kalakaran ito sapagkat napakaramin namang mga lider mula sa hanay ng masang estudyante na gusto sanang tumakbo ngunit hindi naman natin nauugnayan. Walang pilitan ang pagtakbo sa konseho tulad nang walang pilitan ang usapin ng pakikibaka at rebolusyon. Pundamental na aral iyan, kasama. Hindi kailangang sa LTO iasa ang hindi kayang mapunuan ng mga MO. Nariyan ang masang estudyanteng naghihintay na anyayahan natin. Matuto sa masa, dahil hindi natin alam ang lahat bagamat tayo ang may tangan ng tamang linya, at ibalik natin sa kanila ang dapat na pagpapahalagang natatanggap nila mula sa ating nagtataguyod ng karapatan at interes nila. Hindi lang tayo nagpapatakbo para manalo, kundi mas malayo ang tinatanaw dapat natin, kung paanong higit na mapalalawak ang ating mga hanay sa bawat pagkakataong nakaamba sa ating harapan para makatulong sa pambansa-demokratikong rebolusyon. Kaya naging hungkag din ang mga pagsubok na pagbatikos sa kakayanan ng kalaban. Walang dating sa masa ang magsalita ang isang alyansang bingyang nila ng pagkakataong maglingkod ng dalawang taon ngunit hindi naramdaman. Nahirapan tayo dahil mga kasama lang natin ang kumilos at dalawa lang sila. Bagamat nariyan tayo upang tumulong, ang dalawang mukha ay hindi sapat para makakilos bilang isang dinamikong konseho. Nagmukha pa tuloy tayong sektarian imbes na ipakitang tayo ang siyang may kakayahang ipagkaisa ang mga Iskolar ng Bayan. Ang pagkapanalo nila sa pinakamatataas na posisyon at ang pagkapanalo ng abstain sa lokal ay resulta ng malalim na pagkapaso ng mga estudyante sa mga maling gawi na binanggit ko kanina.
Subalit ang mga paso ay samantala at naghihilom din ang sugat. Ang pagkatalo natin ay taktikal na pagkatalo lamang. Ang masa sa huli ang siyang mapagpasiya. Magtasa tayo nang malalim, magpuna kung kinakailangan at magwasto sa mga pagkukulang. Tuloy pa rin ang pagkilos at paglaban, hindi naman ito ang rurok ng pakikibaka. Subalit marubdob na pagpupugay ang ipinaaabot sa pagpaparami ng mga bagong kasapi ng YS! Walang dapat ikabahala dahil tangan natin ang tunay na linyang magpapalaya ng sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan.
Mabuhay tayo mga kasama!

Comments:
kasama,
salamat sa pag-alala. subalit sinulat ang papel at inilathala sa publiko sa pamamagitan ng blog na ito upang mapaghalawan ng aral ng parehong partido. bukod pa sa malalim na pagnanais na mapatunayang walang itinatago sa mga dating kasama ukol sa prinsipyo at paninindigan.
sa mga nakauunawa, mabuhay kayo at magpatuloy tayo sa pakikibaka at pakikipaglaban. sa mga magpapako sa aking muli sa krus ng pagduda at pagtataksil, bahala na kayong mapaso at masunog sa apoy ng ideyalismong nakabatay sa malabnaw na pagtugis sa kalayaan at panlipunang katarungan.
hindi naman tayo ang may tangan ng armas ng paglaya.

--------------------
bahala na kayong mapaso at masunog sa apoy ng ideyalismong nakabatay sa malabnaw na pagtugis sa kalayaan at panlipunang katarungan.
--------------------
ano ito?

hi james!
hahaha! nakakatawa naman yung sumagot sa'yo. "walang may monopolyo sa pagsabi na sila ang nasa tamang daan". so anong ibig niyang ipahiwatig? anong implication sa sarili niya? hehe... na-tanga lang siguro iyon...
Post a Comment