Wednesday, December 08, 2004

Panimulang Salita

Kumusta ka? Wala pang gaanong masasabi sa puntong ito sapagkat hindi pa gaano kalinaw sa akin ang mga hangganan ng maaring gawin sa journal na ito. Asahang nakalakip dito ang mga sanaysay, papel, kaisipan at pagninilay ukol sa mga usapin sa lipunan, pamantasan, kapatiran, barkada, pamilya, pagmamahal at pakikibaka. Dahil hindi ako marunong humabi ng website nang sarili, pagpasensiyahang dito pagkakasyahin at ilalagay ang lahat-lahat.

Ito ang simula ng pangarap na muling makapagsulat nang malikhain at matalinghaga nang hindi nakalilimot sa mga bagay na higit na mahalaga.

Tata.

Comments:
Ayos ka Kuya Terry! ^_^ Pwede na ang mga posts mo sa peyups at kule (ng diliman ah). I've never tried writing in Tagalog. At least, ng buo, kasi naman bobo ako pareho sa English at Filipino. hehehe...

Visit mo me sa iloveboris.blogspot.com

Iaadd kita sa links ko po ^_^
 
Post a Comment

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home