Thursday, December 09, 2004

Kasama

Uyayi ng Kasama
teridon

Sa puntong malapit na ang kaaway
Ang pagod, kalimutan, ang takot, labanan
Kalasag at armas ng digmaan
Kabit-bisig sa martsa ng tagumpay

Sa oras na hapo na ang bisig at diwa
Sagad nang pasanin bigat ng bawat laban
Kayanin ang hirap, pagsubok at luha
Ang masa'y umaasa ng katarungan

Sa panahong gipit na sa pakikibaka
Tandaan mayroon kang laging kasama
Karamay, kaibigan, maaasahan
Katuwang sa pagpanday ng kalayaan


Kasama, o Kasama
Kay tibay ng iyong paninindigan
Maging aming huwaran
Baguhin ang ating lipunan



Comments:
magaling brod! i like it...
 
kasamang ra o rj?????
teka,ano kba talaga,e frat mo ra,tropa mo rj.....ano ba talaga kuya?
hope u can write something about this...to clarify things.gulo e.
 
whoever said RA ang frat nya? i suggest you indentify yourself... -armand
 
di nba ra ang pi sigma??????????????????????
 
Post a Comment

Free Web Counter

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

<< Home