Wednesday, December 08, 2004
Ang Karupukan ng Katawan
Marupok ang katawan ko. Walang humpay ang pakikipaglaban ko sa allergic rhinitis. Sinubukan ko na ang ilang mga gamot sa pagdaan ng mga taon - dimetapp, zyrtec, virlix at ngayon naman yung nasal spray ng kumikiliti sa loob-loob ng ilong ko sa bawat pagpiga ng gamot at pagbulusok ng serum para labanan ang allergy. Nakukuha ko ito madalas mula sa matinding pagpupuyat bawat gabi o dili kaya naman sa matinding pagbabago ng klima lalo na sa panahon ngayong iinit at lalamig nang wala pang isang oras. Sinabi sa aking subuking gumamit ng multivitamins para palakasin ang resistensiya ko at umaasa akong ito ang magdudulot ng matinding pagbabago - hindi na umaasa akong mawawala ang walang humpay na pagsisipon kundi ang pagbagal ng pagkakaroon kong muli ng sipon sa mahabang panahon.
Naaalala ko tuloy ang sakit ni Che Guevara habang nakikipaglaban siya sa kabundukan ng Sierra Maestra, Congo at Bolivia. Walang pasubaling dumarating ang mga asthma attacks ng dakilang bayani ng sosyalismo - habang nagpaplano ng taktikal na opensiba o kaya naman nakikipag-ugnayan sa masa ng bawat bayang pinuntahan. Sa panahong ganoon, nauubos ang kanyang mga insulin shots na tumutulong maibsahan ang pagbabara ng kanyang mga baga. Napakalayo ng mga botika, klinika at ospital para gamutin siya nang madalian kaya matinding paghihirap ang dinanas niya sa bawat pagputok ng karamdaman.Ganunpaman, nagpatuloy ang Comandante sa pakikipaglaban at pakikibaka, pagtataya at paglilingkod sa sambayanang nangangailangan ng hukbo at bayaning tagapagdala ng pagbabago at pag-asa.
Nasabi ito sapagkat hindi ko tiyak ang magiging buhay ko sa panahong sasabak ako sa kanayunan pagdating ng tag-init. Malayo ang health centers at salat ang mga duktor. Hindi karaniwan ang mga gamot para rito at may kamahalan pa. Mahirap nang maging pasanin ng isang pamilya sa kanayunan imbes na makatulong sa mga gawain sa bukid o sa opisina ng people's org. Sa kabilang banda, alam ko at malinaw sa akin ang layunin ng aking paglubog sa kanayunan - upang matuto sa masa at maunawaan ang kalagayan nila nang sa ganoon makilahok sa papatinding pakikibaka nila laban sa isang mapaniil at atrasadong sistema. Tindi noh. Kaya naman kahit marupok ang katawan at may katiyakan mahihirapan - magpapatuloy.
Wala nang higit pang karangalang makapaglingkod nang buong-buo sa mamamayan.

Comments:
eh di sa binangonan ka magpa-assign para walang hirap pero ganon ding pagkamulat mararanasan mo... -armand
p.s. i have a blog by the way, tamad nga lang akong magsulat at walang kwenta mga laman nya. feel free to visit though
thegreendestiny.blogdrive.com

brod,as with che,me movie now about him nung pre-activism haydays nya,motorcycle diaries ang title.basically,yun yung roadtrip nilangmagkaibigan that opened his eyes to ills of society.
antabayanan ang pagdating dyan sa pinas.
lolo94c
Post a Comment